Lucas Tyler's POV
OUUCCHH!!!! I feel a lot of pain right now!!!
Hindi ko naiintindihan kung ano ang nangyayari sa akin at ganito kasakit ang aking nararamdaman..
Pilit kong binubukas ang mga mata ko ngunit wala akong lakas para gawin ito, kahit nga ang paghinga ay hirap na hirap kong gawin.. May biglang tumusok sa kamay ko na sobrang sakit.. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.
Ilang segundo ang nakalipas ay unti-unting kumalma at nawala ang mga sakit na aking nararamdaman. Unti -unti ring kumalma ang aking pagiisip at may bigla akong naalala.
Tila ba nananaginip ako kagabi tungkol sa Linus Cup doon sa Arena. Marami akong naranasan doon pero isa lamang ang tumatak sa isipan ko. Tila ba hindi ko na mabaling sa ibang bagay ang utak ko dahil sa sobrang emosyon na binibigay nang alaala na ito sa akin.
Nakapatong ang aking ulo sa balikat ni Shia at pareho naming tinatanaw ang pakurap-kurap na Green Glowing Light sa gitna ng arena. Nararamdaman ko ang pag-iyak niya dahil may pumapatak na luha sa buhok ko.
Shia kung alam mo lang sana, ayoko ring mamatay at gusto ko pang lumaban. Hindi napapagod ang motivation at kagustuhan kong makasama ka pero alam nating wala na itong patutunguhan, mamamatay lang din ako dahil talo na ang Team Boran. Pagod na pagod na rin ang katawan ko para lumaban at sa sitwasyon ko ngayon, ang mahalaga na lang para sa akin ay ang mabuhay at maligtas ka.
Gusto kong umiyak ngunit nagpakatatag ako para maging matatag din si Shia. Kung ipapakita ko ang kahirapan ko ay lalo ko lang siyang mapalungkot. Ngumiti ako, kahit masakit na sa katawan ko, pinilit ko dahil masaya akong mabubuhay ang bestfriend ko at sigurado akong aalagaan din niya ang pamilya ko.
At bigla na lang nawalan ako ng malay and my breathing also stopped that moment.
I can feel tears flowing on my cheeks.
Wait?? Bakit pa ako nandito?? Nasaan ba ako??
Namatay na ba ako at papunta na sa langit??
Pero bakit ko pa naaalala ang lahat ng ito??

BINABASA MO ANG
The Secret Behind The Linus Cup(Titan Academy)
FantasíaFANFICTION | Part II - Titan Academy @april_avery | Inspired | Must Read | "I thought you were dead but Lucas Tyler, you are ALIVE." | {on going}