Apat

3K 137 7
                                    

Anong ginawa ko? Huling naalala ko ay uminom ako ng alak. Tapos wala na. Nagising na lang ako sa tabi ni Jacob. Ang OA rin pala na inisip kong may nangyari sa amin noh? Pero malay natin. Joke ang landi ko naman.

Dahan-dahan kong inalis ang kumot na nakatakip sa akin. Shet, nakabrief lang ako.

"Nasaan na ba 'yun? Tae naman oh," bulong ko sa sarili habang hinahanap ang aking mga damit. Pumasok ako sa banyo at doon ko natagpuan ang aking hinahanap. Puno ang mga ito ng suka. Yuck. Ano nang isusuot ko? Ah, alam ko na!

Nagtiptoe ako papunta sa cabinet malapit sa kamang hinihigaan ng tulog na si Jacob.

"Yun! Sakto," saad ko saka namili ng kasya sa akin na basketball shorts at tshirt.

"Pahiram ah," bulong ko kay Jacob saka isinuot ang mga damit niya. Ngayon, kailangan ko nang pumuslit. Tahimik kong nilapitan ang pinto ng kuwarto ni Zach. Pipihitin kona sana ang doorknob nang magulat ako sa nagsalita.

"San ka pupunta?" rinig kong tanong ni Jacob. Bakas sa kanyang boses na bagong gising siya.

Humarap ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatayo. Halos mapanganga ako nang makita siyang walang ni isang saplot. Ang laki.

Ang laki ng mata ko dahil sa pagkabigla. Ang ganda ng katawan ni Jacob. Ngayon ko lang napansin. Wala man siyang abs katulad ni Zach, hot pa rin ang crush ko.

"Ah eh, aalis na sana ako," utal kong sagot.

"Huwag kang mag-alala. Alam nilang nandito ka. Diba nga pinaalam kita kay tita?" sabi niya naman at walang paki kahit wala siyang salawal. Lumapit pa siya sa akin.

"Uhmm project! Tama gagawa ako ng project," pagsisinungaling ko.

"Walang pasok Ram. Bakasyon so wag mo kong niloloko," nakangiti pa niyang pahayag.

"Eh basta, kailangan ko na talagang umuwi," rason ko na lang dahil ilang na ilang na ako sa kanya. Tatalikod na sana ako nang magsalita pa siya.

"Hep hep hep," pagpigil niya sa akin. Halos nakayakap na siya sa ginagawa niya. At ang nakakamatay pa roon, wala pa rin siyang brief na suot.

"May nakakalimutan ka yata," makahulugang pahayag niya.

"A-ano 'yun?" tanong ko.

"Eto," sagot niya at unti-unti na niyang inilapit sa akin ang kanyang mukha. Napapikit ako. Naghintay ako ng halik pero walang dumampi sa labi ko.

"Bat ka pumikit?" reklamo niya na nagpadilat sa akin.

"Huh bakit?" hindi ko maintindihan. Eh sa gusto kong pumikit eh para feel ko.

"Ang hirap tuloy tanggalin yung muta mo. Ano ba 'yan. Tara na nga, ihahatid na lang kita sa inyo," inis niyang wika. "Hintayin mo na lang ako sa sala," dagdag niya pa.

Anong nangyari? Ang kapal din ng mukha ko para isiping hahalikan niya ako. Ang tanga ko rin talaga eh. Eto kasing si Jacob, pa-fall pero hindi naman pala ako sasaluhin. Nakakahiya, buwisit na muta.
—————————————

Kumakain kami ngayon ni Jacob sa isang fastfood resto dahil sa pagpupumilit niya. Ayaw ko sanang pumayag dahil baka madagdagan pa yung kahihiyan ko eh. Sinabi ko pa na sa carinderia na lang namin kami kumain ng almusal slash tanghalian pero wala pa rin akong nagawa. Kotse niya ang gamit namin eh.

"Namimiss mo na ba yung si Anthony? Nasaan na ba siya?" nagulat na lang ako nang biglang magtanong si Jacob tungkol kay kuya. Kumagat siya sa burger niya.

Kubli [Continuation of Sikreto 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon