Hindi naman pinansin ni Rico ang sinabi ni Jacob dahil mukhang may pupuntahan pa ito.
"Sorry Ram at nabunggo kita but I really need to go," tama nga ang aking hinala na nagmamadali ito. Tumingin siya kay Jacob. "And yes man, I'm so much alive and never been dead."
Nagpaalam siya sa amin. Ngayon kami na lang ni Jacob ang natira. Nakarehistro pa rin sa kanyang mukha ang gulat.
"Hindi ako makapaniwala," bulalas nito. "I saw his dead body with my very own eyes. Ano siya, zombie?" dugtong pa niya.
"M-mamaya ko na ipaliliwanag. Hindi 'yun ang ipinunta natin dito," nauutal kong pahayag dahil sa kakaibang nadama ko kanina kaharap si Rico.
"P-pero," parang takot na takot ang hitsura niya.
"Tsk Jacob, tara na sa loob. Ituloy mo na 'yung pakulo mo," pinilit ko pa ring ngumiti para engganyuhin siya.
"Whoo, sige na nga. Tara na," nauna na siyang pumasok. Hindi man lang ako hinatid. Kabanas.
"Sir, doon po tayo sa private lounge 3," napabalikwas ako sa gulat dahil sa pagsulpot ng isang maliit na waitress. Nauna na talaga si Jacob. Sumunod na lang ako sa dinaraanan ng babaeng ito.
Namangha ako kaagad pagpasok ko sa naturang kuwarto. Nawala ang ingay ng mga kuwentuhan ng mga customer na nasa labas. Napalitan ito ng isang classical music na masarap sa tenga. Napaliligiran kami ng candle lights na nagpatindi ng romantic ambiance. Sa bandang kanan ko ay isang mini fountain. Sa kaliwa naman namin ay isang simpleng glass wall na nagpalitaw ng magandang view sa labas.
Hindi ko maiwasang ma-touch sa effort na ito ni Jacob. Bahagya kong nalimutan ang taong gumugulo sa aking puso ngayon. Hindi ko akalaing may magkakagusto ulit sa akin nang ganito. Akala ko rin, hindi ko na ulit madarama ang nadama ko sa piling ni Roco dati. Oh Jacob, grabe hindi ko to inexpect.
Tumingin ako sa lalaking nagpapunta sa akin rito. Hindi ko rin inasahan ang kanyang hitsura. Malungkot ba dapat ang tao sa ganitong okasyon? Kung hindi, bakit nakapalumbaba si Jacob at mukhang malalim ang iniisip? Mali ba ang mga akala ko na magtatapat siya ng pag-ibig sa akin ngayon? Umaasa lang ba ako at sobrang nahihibang na may magmamahal pang muli sa akin?
"Ah Jacob, anong ginagawa natin dito?" nilakasan ko na ang aking loob para malaman ang totoo. Baka mamaya, may hinihintay pala kaming iba rito at chaperone lang ako.
Inangat niya ang kanyang tingin sa akin. Bakit mukha siyang naiiyak?
"May pag-asa pa ba ako sa'yo gayung nandyan na siya?" tanong niya sa akin sa malungkot na tono.
"Huh?" hindi ko kasi maintindihan.
"Si Roco pa rin, tama ba ako? Siya pa rin ang mahal mo, 'di ba?" makahulugan niya pang itinanong. Naunawaan ko na kung anong pinagdadramahan niya. Naisip ko tuloy siyang pagtripan.
"Oo naman, mahal na mahal ko kaya 'yung si Roco," totoo naman 'to kasi kasi kahit wala na siya, nandito pa rin siya sa aking puso.
"Oh sige. Sorry, akala ko kasi pwede na akong manligaw. Hindi pala. Sige Ram, iwan mo na ako," nakangiting wika ni Jacob pero halata ang sakit sa loob niya.
"Kaso, wala na siya 'di ba?" pagdugtong ko na nagpakunot ng noo ni Jacob. "Si Rico 'yung nakita mo kanina. Kambal niya. Eto talaga. Ang arte arte," pamg-aasar ko saka umupo sa tapat niya.
"Oh nasan na 'yung food natin? Sayang naman 'tong nireserve mo oh. Kaganda!" saad ko pa habang nakanganga pa rin si Jacob. Naplitan naman ito ng galak dahil napatayo ito at humiyaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/64940161-288-k154085.jpg)
BINABASA MO ANG
Kubli [Continuation of Sikreto 1]
General FictionNagbago na ang lahat. Hindi na maaaring ibalik ang nakaraan. Hindi na pwedeng itama ang mga maling nagawa. Ngayong ang mga sikreto ay tuluyang nabunyag, ano ang dapat gawin? Problema'y dapat bang harapin o magKUBLI na lang sa dilim? Halina't tunghay...