"Zach, mauna ka na. Magpalamig ka ng ulo mo. Kaya ko na 'to," suhestyon ni Ram. Buwisit na buwisit talaga ako sa Jane na ito eh. Badtrip putek. Sinunod ko na lang si Ram; baka kung ano pa magawa ko eh.
Lumabas ako ng malaking bahay at agad sumakay sa aking motor. Pinaandar ko ito nang hindi alam kung saan tutungo. Habang palabas ng subdivision, nadaanan ko ulit 'yung bahay ni Roco at napansing wala na ang sasakyang nakaparada kanina. Nakahinga ako nang maluwag. "Buti naman," bulong ko sa hangin.
Habang nagmamaneho, napaisip ako. Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako sobrang galit kay Anthony dahil wala naman akong nakuhang sakit mula sa kanya. Pero syempre gusto ko pa rin siyang makita, para masapak ko. Biro lang. Sabi ko nga, gusto kong marinig ang side niya.
Pero kung ayaw niyang magpakita, di bale na lang. Life should move on. Hindi ko na muna siya iisipin. Magfofocus na lang ako sa iba ko pang trabaho.
"Beep!!! Beep!!!" nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang may marinig akong malakas na busina. Busina ng truck sa likod ko. Agad akong lumiko sa gilid para makadaan ang nagmamadaling drayber ng malaking sasakyan. Tragis 'yan muntik pa akong mamatay. Tumigil muna ako sa pagdadrive. Napansin kong nasa tapat ako ngayon ng isang bar. Paano ko nasabi? Sa dinami-rami ba naman ng mga napuntahan ko nang ganito noong ako'y nagbebenta pa ng katawan, hindi ko ba mapapansin na ang gusaling ito ay katulad din ng mga iyon? Idagdag mo pa ang mga disenyo sa labas. Mga picture ng seksing babae at mga ilaw na mas maliwanag pa sa christmas lights.
"The Crave," basa ko sa pangalan ng bar. "The place which can satisfy your cravings—food, beverages, songs, girls,etc," ito ang tagline na nakasulat din. Sinong hindi maeengganyong pumasok dito diba? Hooo. Sa tingin ko, kailangan ko munang magchill bago harapin muli ang katotohanan.
Ipinarada ko ang aking motor malapit sa entrance at pumasok sa loob. Dahil nakasara ang lahat ng bintana at pinto, madilim na sa loob kahit tirik na tirik pa ang araw sa labas. Pulang pula ang ilaw sa loob. Pansin kong kaunti pa lang ang mga tao dahil hapon pa lang. Wala pa ring sumasayaw sa stage kung saan may pole na nakatayo sa gitna. Umupo muna ako sa isang sulok at umorder ng mahinang alak.
Dahil bored ako at walang kausap. Sinubukan kong magkaraoke.
"Let me be the one to break it up
So you won't have to make excuses
We don't need to find a setup where
Someone wins and someone losesWe just have to say our love was true
But has now become a lie
So I'm telling you I love you one last time
And goodbye"Pagkanta ko sa chorus ng Let Me Be The One ni Jimmy Bondoc kahit wala ako sa tono at hindi ko maabot ang matataas ng parte ng kanta. Nakailang kanta na rin ako kaya kaunti pa lang ang naiinom ko.
"Naks, ang galing naman," nagulat ako sa kumento ng taong tumabi sa akin. Paglingon ko, nakita ko ang isa pang peste sa buhay ko. Di ko na lang siya pinansin at pumili na lang ng ibang kanta.
"Fine. Dude, bakit hindi mo panrin ako pinapansin? Ano bang nagawa ko't ang laki ng galit mo sa akin?" hinaing niya bigla. Nakainom na rin siguro 'to dahil ang lakas ng loob niya eh.
"Wala, naaalibadbaran lang ako sa'yo," tapat kong isinagot sa kanyang tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/64940161-288-k154085.jpg)
BINABASA MO ANG
Kubli [Continuation of Sikreto 1]
General FictionNagbago na ang lahat. Hindi na maaaring ibalik ang nakaraan. Hindi na pwedeng itama ang mga maling nagawa. Ngayong ang mga sikreto ay tuluyang nabunyag, ano ang dapat gawin? Problema'y dapat bang harapin o magKUBLI na lang sa dilim? Halina't tunghay...