Anim

2.7K 114 9
                                    

Pumasok kaagad si Zach sa gate pagkabigay niya ng litrato kay Jane. Hindi ko alam pero agit na agit siyang makita si Anthony.

Napatingin naman ako kay Jane. Nilapitan ko siya at humingi ng paliwanag. Nahihiya niyang ibinalik sa akin ang picture.

"Sorry," pabulong niyang paghingi niya ng tawad.

"Oks lang Jane. Baka inutusan ka lang niya na huwag sabihin eh," pang-aalo ko naman.

"Hindi 'yun. Sorry dahil wala na siya rito," pagbabalita niya na ikinagulat ko.

"Ha?" sambit ko tuloy. Pumasok ako sa loob ng bahay kasunod ni Jane.

"Si Anthony. Wala na rito. Umalis siya kahapon nang umaga. Walang paalam, nagulat din ako. Sorry talaga Ram dahil hindi ko agad sinabi na nandito siya," paliwanag naman ni Jane nang paakyat ako.

Eksakto namang bumaba si Zach. Halata sa kanyang mukha ang pagkadismaya.

"Wala sa taas. Nalibot ko na rin 'tong baba," wika ni Zach gaya ng inaasahan. Dumako kay Jane ang kanyang tingin.

"Sa'n siya nagpunta?" maangas na tanong ni Zach sa may-ari ng bahay.

"Hindi ko rin alam," hikbi ni Jane.

"Punyeta!" galit na sigaw ni Zach. Nakakuyom na ang kanyang mga kamay. Parang pinipigilan niya lang din ang sarili na huwag saktan ang babae.

"Promise. Umalis lang siya bigla-bigla," pagpapaliwanag ni Jane.

"Ha! Sa tingin mo ba maniniwala ako sa'yo. Hindi mo nga nasabi diyan sa kaibigan mo na nandito ang taong hinahanap niya eh. Ang sabihin mo, malan... Arghh," hindi na lang niya itinuloy ang dapat na sasabihin niya. Marahil ay naisip niyang masasaktan niya ang damdamin ng kaibigan ko.

Lumapit ako kay Jane para patahanin siya.

"Zach, mauna ka na. Magpalamig ka ng ulo mo. Kaya ko na 'to," utos ko kay Zach na agad niyang tinalima.

"Sorry ulit Ram. Kasalanan ko 'to eh," wika na naman ni Jane. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Narinig ko naman ang pag-andar ng motor ni Zach sa labas, tanda na aalis na talaga siya.

"Shhss, okay na," pagpapagaan ko ng pakiramdam niya. Binigyan ko siya ng yakap.

"Tama naman yung kasama mo eh. Pinairal ko 'yung kalandian ko. Hindi ko man lang naisip na sabihin sa'yo  na nasa bahay ko ang kuya-kuyahan mo," muling pagpapaliwanag niya habang umiiyak.

Kubli [Continuation of Sikreto 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon