Labindalawa

2.5K 115 18
                                    

"Why do you know my name?  Hindi kita kilala bro," laking pagtataka ni Bernard.

"Sandali lang guys," pagsingit ko. Humarap ako kay Bernard. "Halika muna rito Burn," hinila ko palabas ng kusina ang matalik kong kaibigan bago pa magkabukuhan.

"Sobra mo yata akong namimiss to the point na ikinukuwento mo na ako sa iba ha. I'm touched. Pero sino 'yun? He's kinda hot," saad niya pagdating namin sa sala.

"Tsk. Tumigil ka nga Burn," irita kong sabi.

"Oh my gahd! Huwag mong sabihing baliko ka na rin? Shocks. Sabi ko na nga ba. I'm proud of you bro. Okay rin ang taste mo ah," pang-aasar nito.

"Sabi ko tumigil ka," panggigigil ko.

"Mag-explain ka na kasi," tugon nito sa akin.

"Okay, ganto. Aware ka naman sigurong ginamit ng kambal mo 'yang katauhan mo noong buhay pa siya diba?" panimula ko.

"Yup," pagsang-ayon niya. Magsasalita pa sana ako nang maunahan niya ako.
"Ohhh. So you mean, 'yung kapatid ko at siya ang magkakilala?" natumbok niya. Eto ang gusto ko sa kaibigan kong ito eh. Madali siyang makagets. Tumango ako.

"Kaya sana magpanggap kang kilala mo rin siya ah. Siya si Anthony by the way," saad ko naman.

"Let's just tell him the truth para wala nang problema. Alam na rin naman ng lahat eh. Pahihirapan mo pa ako," hindi niya pagpayag.

"Hayy, bahala ka nga," inis kong sabi dahil ito na ang umpisa ng gulo. Tatalikuran ko na siya nang bigla ulit si uh ang nagsalita.

"Wait, bakit pala siya nandito? At take note, nagluluto pa for you," usisa niya. I was caught off guard. Di ko alam kung anong isasagot ko.

"Ah eh. W-wala lang. Bisita ko siya tapos nagprisinta siyang magluto kaya 'yan," palusot ko pero may duda pa rin sa kanyang mukha.

"I'm not convinced pero sige kunwari na lang naniniwala ako," aniya.

"Eh bakit kasi nandito ka?" tanong ko naman para malihis ang usapan.

"Wala, namiss ko lang 'yung bestfriend ko. Wait, parang you want me to go na ah. Samantalang last time nagdrama drama ka pa para lang papuntahin ako rito. Now I'm getting more suspicious. Can I sleepover here later?" tanong niya. Naku ito na nga bang sinasabi ko eh. Kung magaling akong detective, mas magaling siya.

"S-sige. Walang problema. Gutom ka na ba? Sandali, ihahanda ko lang 'yung pagkain," iniwan ko sa sala si Bernard. Kung anu ano na kasing tinatanong niya eh.

Nakahinga ako nang maluwag pagdating ko sa kusina. Nadatnan kong nakasandal si Anthony sa lababo. Nakangisi siya.

"Oh ba't parang tarantang-taranta ka? Pa honey honey ka lang kanina ah," pang-aasar nito sa akin pagkalapit ko sa kanya.

"Wala akong time makipag-asaran Anthony ah. Luto na ba 'to?" turo ko sa sinangag.

"Oo. Sige kunin mo na pati 'tong bacon at itlog," inabot niya sa akin ang mga ulam na nasa plato.

"Thanks. Halika na, samahan mo kami kumain dun," seryosong anyaya ko sa kanya. Tahimik naman siyang sumunod sa akin.

Pagkaupo namin sa dining table, agad nagsalita si Bernard.

"Hi pareng Anthony. Kumusta ka?" nakipagkamay pa ang loko kay Anthony. Mga da moves din nito eh. "Sorry about a while ago. Medyo 'di na kita namukhaan. Matagal na tayong nagkikita noh?" dugtong pa niya. Nanghuhula lang naman siya ng sinasabi eh.

Kubli [Continuation of Sikreto 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon