Lima

3.3K 140 34
                                    

"Hey hey. Wake up, you sleepy head," rinig kong panggigising sa akin ng isang tao.

"Uhhh. Ten minutes," wika ko. Eh sa inaantok pa ako eh.

"Ah nice. You called me at the middle of the night to come here. I cancelled all my appointments today to go here and just to find you sleeping? Nice one Zach. I better get going," mahabang litanya ng kung sino mang nasa kuwarto ko. Narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng aking pinto. Nagising na tuloy ako nang tuluyan.

"Sino bang nambubulabog sa ak... Oh shit," tsaka ko narealize na pinapunta ko pala yung bespren ko rito. Dali-dali akong lumabas ng aking kuwarto para habulin siya.

"Burn wait," sigaw ko para mapahinto siya sa paglabas sa aking bahay.

"Oh, finally you woke up," dismayadong sabi niya.

"Sorry, hirap talaga ako magising at times. Especially pag stressed ako," paliwanag ko naman.

"Old habits die hard huh," wika niya papunta sa sofa.

"Buti pumunta ka Burn," pasasalamat ko. Tatabihan ko na sana siya nang pahintuin niya ako.

"Stop right there. You know what? Before we start this conversation, I think you need to put a shirt on first before I get tempted to taste you," pabirong paalala niya.

"Ughh you....," hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko bagkus ay pumunta na ako sa aking kuwarto at nagsuot ng pang-itaas na damit. Nagbago na talaga siya mula nang manirahan siya sa US. Joke lang, mas wild lang ngayon ang mga sinasabi niya kumpara dati.

"Ayan, happy?" tanong ko sa kanya paglabas ko ng kuwarto ko.

"Actually, mixed feelings. Uhmm, I'm hungry. Do you happen to have a coke and or a hamburger?" biglang tanong niya.

"What? Ang aga-aga softdrinks? Tsaka san ako kukuha ng hamburger?" gulat kong tugon.

"Fine, juice na lang. Ang loser mo pa rin forever," napakamot ako sa ulo. Nagkamali yata ako na papuntahin ang makulit kong kaibigan dito. At napaisip din ako kung paano ako nagkaroon ng ganitong uri ng kaibigan.

"What are you waiting for?" pagdedemand niya. "Oh c'mon you don't have juice, too? How can you even call this a house?" sabi niya pa. Nanliit tuloy ako bigla. Tumayo na siya.

"Kaya kong mabuhay without those unhealthy snacks and drinks," depensa ko naman.

"Whatever. Let's just go to the nearest coffee shop. My treat, as always," mayabang niyang anyaya.
———————————————

"This tastes so great," puri niya sa pizza na kinakain niya. Oo pizza, akala ko rin magkakape kami ngayon eh. Nagulat na lang ako nang iliko niya ang kanyang kotse patungo sa pizza parlor na to. Ito raw kasi ang una naming nadaanan eh tinatamad na siyang magdrive.

"Eat, don't be shy," alok niya sa akin ng mga inorder niya. Tumikim na rin ako.

"Uhmm don't you have a girl eff right now?" sasagot na sana ako nang sumingit siya ulit.

"Of course wala. You wouldn't have called me if there's one or two or whatsoever. You should find one para may katulong ka na sa messy house mo," tuloy-tuloy niyang pang-aasar kahit may laman ang bibig niya ng pagkain. Tingnan mo nga naman. Wala pa ring manners.

Kubli [Continuation of Sikreto 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon