Napalitan ng pagkabigla ang aking lubos na kasiyahan. Si Albert, nakita na? Ngumiti ako, sinabi ko na nga ba't may solusyon ang lahat.
"Weh, edi maganda. Anong iniiyak-iyak mo dyan?" pagtataka ko. At kung nakita na nga siya, bakit hindi niya ito kasama?
"Iyon nga eh. Nakita siya pero 50-50 na ang kondisyon niya Ram. Napakawalang-hiya ng gumawa nun sa kanya," pagkatapos ay muli siyang humagulgol. Nilapitan ko si Jane at niyakap kahit na gulat pa rin ako sa kanyang ibinalita. Nang tumahan na siya'y inalok ko siyang samahan siya sa ospital.
Sobrang kaawa-awa ang kondisyon ni Albert. Maraming bali sa kanyang katawan. Halatang bugbog-sarado siya sa dami ng maiitim na pasa. Gusto kong maiyak dahil sa dami ng nakatusok na aparato sa kanyang kanarawan. Sobrang bait ng kaibigan kong 'to. Hindi niya deserve ang ganito. Wala naman akong kilalang kaaway nito o hindi ko lang talaga alam dahil hindi talaga ako naging isang mabuting kaibigan. Sariling problema ko lang ang iniisip ko, hindi ko man lang sinubukang alamin ang pinagdaraanan ng mga taong malapit sa akin. Pero masisisi niyo ba ako noong mga panahong iyon?
Bago pa ako masiraan ng bait sa kaiisip, minabuti ko na lang lumapit sa umiiyak na nanay ni Albert na pinatatahan ng asawa nito.
"Hello po, ako po si Ramuell, kaibigan ni Albert. Nalulungkot po ako sa sinapit ng anak ninyo. Pero alam ko pong gusto ni Albert na maging matatag tayo. Kakayanin niya iyan," napaka-cliche na payo ko sa magulang ng aking kaibigan.
"Salamat iho. Pero kasalanan talaga namin 'to eh. Sana hindi na lang namin siya hinayaang tumira mag-isa at maging independent," pagsisisi ng ina.
"Hindi po. Nakatulong po 'yun nang malaki sa pag-improve ng sarili niya. Sobrang maintindihin po niya. Mabait pa at masayahin," pagpapagaan ko sa kanyang damdamin.
"Sige thank you Ramuell, kaya na namin 'to. Iuwi mo na rin si Jane. Kanina pa 'yan dito. Kailangan niya rin ng pahinga," bilin nito sa akin. Nagpaalam na ako at lumabas ng kuwarto. Niyaya ko nang umuwi si Jane pero nagulat ako nang pumasok siya sa loob. Hindi ko na siya sinundan; baka nagpaalam lang din siya.
Nagmamadaling lumabas si Jane sa kuwarto ni Albert. May dala-dala siyang susi. Bago ko pa man siya tanungin, sinagot na ako ni Jane.
"Samahan mo ako sa apartment ni Albert. Kailangan nating makanap ng clue sa kung sino'ng gumawa nito sa kanya," matapang at determinadong pahayag ni Jane. Hindi na ako kumontra pa. Panahon na rin siguro para bumawi sa mga totoong kaibigan ko.
____________________Maganda ang tinitirhan ni Albert. Walang masyadong gamit, tipikal para sa isang lalaki. Napansin ko lang na marami siyang posters ng basketball, ang sport na hilig niya. Kanina pa kami naghahanap ng something na kakaiba pero wala pa kaming nakikitang kung ano.
Dahil hindi namin alam ang password ng kanyang laptop, hindi namin ito maaaring buksan. Sinubukan naming maghanap ng sulat sa mga drawers kung sakaling nagsulat siya dahil alam nitong may masamang mangyayari sa kanya pero bigo rin kami.
"Uhh, nakakainis," nawalan na ng pag-asa ang kasama ko. Umupo naman ako saglit sa isang sofa at nag-isip.
"Jane, may load ka ba?" tanong ko. Tumingin siya sa akin nang may pagtataka sa kanyang mukha.
"Kung gusto mo nang umuwi. Pwede mo na akong iwan. Hindi mo na kailangan pang magpaalam kay tita para samahan ako rito," sagit niya naman.
"Baliw, 'di 'yun anggusto kong sabihin. Pahiram na ng phone bilis," pagmamadali ko. Hinagis niya ang bagay na hinihingi ko.
Nakuwento ni Jane na nagtext pa si Albert bago mawala. Ibig sabihin, hawak niya noon ang cellphone niya dagdag pa na hindi namin ito nakita sa loob. Sana tama ang hula ko. Sinubukan kong tawagan ang number ni Albert. Nagriring ito ngunit walang sumasagot. Ayos! Ibig sabihin, hindi ito nakuha ng mga nanakit kay Albert. Hindi ko pa rin ibinaba ang tawag at nag-isip.
BINABASA MO ANG
Kubli [Continuation of Sikreto 1]
General FictionNagbago na ang lahat. Hindi na maaaring ibalik ang nakaraan. Hindi na pwedeng itama ang mga maling nagawa. Ngayong ang mga sikreto ay tuluyang nabunyag, ano ang dapat gawin? Problema'y dapat bang harapin o magKUBLI na lang sa dilim? Halina't tunghay...