Dumating nga si Jacob sa sinabi kong tulay.
"Bagay na bagay talaga sa'yo ang tawag kong bobo. Ano'ng nakain mo't nagpunta ka rito? Mukha kang magpapakamatay," nagawa pa akong laitin ng boyfriend ko. Ang sweet niya noh? Minabuti kong bumaba na sa tulay, baka mahulog ako nang hindi sinasadya tulad ng naramdaman ko para kay Jacob.
"Hindi ba pwedeng may problema lang," sabi ko naman.
"Tara na muna sa kotse, nagko-cause na tayo ng traffic oh," turo niya sa nagsisimulang humabang pila ng kotse sa likod namin. Pumasok na ako sa sasakyan niya.
"Alam ko na pala kung ano'ng problema mo. Si Albert noh?" nagulat ako sa nasabi niya.
"Paanong.."
"Si kuya Zach. Hinahanap ka niya sa akin kanina eh. Hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya. Kinilig nga ako nung sinagot mo kaagad 'yung tawag ko eh. Ikaw ah, napaghahalataan kang mahal na mahal mo ako," pang-aasar niya pa.
"Blah blah blah blah," pikon kong wika. "Samahan mo na nga lang ako sa hospital. Puntahan natin si Albert."
"Your wish is my command, my Bobo," may bago na naman siyang tawag sa akin.
_________________Sinalubong kami kaagad ni Jane pagdating namin sa ospital. Nauna na pala siyang pumunta rito pagkaalis ko sa bahay ni Zach. Niyakap ako nito.
"Ram, are you alright? Sobrang laking pasabog nung nalaman natin kanina. Hindi ko alam kung paano sasabihin kina tito at tita eh," sabi niya.
"Sa susunod na lang siguro. Hindi pa rin ako makaget-over eh. Kaibigan ko ang nakapatay sa taong minahal ko. Masakit iyon," malungkot kong saad. "So, kumusta naman daw si Albert?"
"Ah yeah. Sobrang 'di makapaniwala yung doctor kasi Albert is already stable. Hinihintay na lang ang paggising niya," nakahinga ako nang maluwag sa ibinalita niya.
"Mabuti naman kung ganoon. Mas maganda siguro kung sa kanya na manggagaling ang paliwanag sa nangyari. 'Yung nabasa natin, hindi pa naman iyon ang buong katotohanan eh. Kaya I'm just hoping na bumuti na ang kalagayan niya," sabi ko na lang.
"I agree with that."
"Oh sige, Jane. Pakisabi na lang sa mga magulang ni Albert na napadaan ako. May pupuntahan lang kami nitong si Jacob," paalam ko muna.
"Sure," ani Jane.
Hinila ko paalis si Jacob.
"Magde-date ba tayo? Ang sweet mo talaga my bobo," hirit niya pa.
"Ano ba? Hindi 'to ang tamang oras para dyan. Punta tayo sa subdivision nina Jane. Susugirin natin si Rico," may galit kong pahayag.
"Taga dun ba siya? Paano mo nalaman?" usisa ni Jacob. Naalala ko kasi na 'yung sasakyan pala ni Rico ang nakita kong nakaparada dati sa bahay ni Roco.
"Basta, bilisan na lang natin," pagmamadali ko sa kanya.
"Hoy hindi mo ako driver ah. Pero sige, willing namang ako ipagdrive ka. Gusto ko kasing masaya ka lagi," may kasama pang kindat na banat ni Jacob. Ang swerte ko sa kanya, pinagagaan niya ang puso ko sa mga ganitong panahon.
Pumunta kami sa subdivision nina Jane at hinanap ang bahay ni Roco. Mabuti at naalala ko pa kung nasaan ito. Naroroon pa ang kotse ni Rico kaya dere-deretso naming binuksan ni Jacob ang gate. Kumatok ako ng maraming beses ang pinto.
BINABASA MO ANG
Kubli [Continuation of Sikreto 1]
General FictionNagbago na ang lahat. Hindi na maaaring ibalik ang nakaraan. Hindi na pwedeng itama ang mga maling nagawa. Ngayong ang mga sikreto ay tuluyang nabunyag, ano ang dapat gawin? Problema'y dapat bang harapin o magKUBLI na lang sa dilim? Halina't tunghay...