Tila nawala ako sa sarili at hinalikan ko si Anthony para tumigil na siya sa pagsasabi ng magagandang bagay tungkol kay Burn. Hindi na ito tulad ng dati na daplis lang, halik kung halik na talaga. Noong una'y nagulat pa siya pero nang lumao'y lumaban na rin siya ng halikan.
Unti-unti niyang tinanggal ang aking saplot; ganun din ako sa kanya. Nakapaibabaw ako habang walang tigil ko siyang hinahalikan sa sofa. Ngayon lang ako nakipaghalikan nang ganito. May kakaibang tamis ang labi ni Anthony. Nakaaadik. Di ko mapigil ang sarili ko kahit ang sinasabi ng utak ko'y mali ang aming ginagawa.
"Oh my gosh!" nagulat ako dahil may biglang sumigaw. Napalingon kami kaagad ni Anthony sa pinto na hindi ko pala nailock. Ano'ng ginagawa ng malanding babaeng 'to rito? Maya-maya pa'y nalaman kong kasama niya si Ram na napanganga rin sa gulat.
Agad kaming tumayo ni Anthony at isinuot ang aming mga damit. Hindi ko na nagawang tumawa pa dahil sa hiya nang mapansin kong baliktad ang pagkakasuot ni Anthony sa kanyang damit. Nataranta rin si loko.
"Uhmm, s-sandali lang ha. Kukuha ako ng carbonara para may makain kayo," alok ni Tunying sa aming mga bisita.
Bilang may ari ng bahay, niyaya ko silang umupo sa sofa.
"Ah, no thanks. Sa dining table na lang siguro," maarteng pagtanggi ni Jane. Sana pala tinuluyan ko na 'tong bugbugin sa bahay niya noong isang araw.
"Gosh, I just can't unsee that scene. Dalawa sa ultimate crushes ko ay naglalaplapan sa harap ko. Oh gahd," wika na naman ni Jane. Tumawa si Ram. Pati pala ako ay pinagpapatasyahan ng babaeng 'to.
"Eh ano ba kasing sadya niyo rito?" tanong ko sa pakay nila. Baka 'di ako makapagtimpi rito.
"Ah right. Here, unlock this phone," diretsong utos ni Jane na parang boss. Inabot niya sa akin ang cellphone.
"Madali lang 'to. Hintayin niyo lang ako. Saglit lang ako sa kuwarto ko," paalam ko. Mabuti na lang at may oras na ako para kumalma.
Nagmadali akong umakyat sa aking kuwarto at nag-isip.
"Ang tanga-tanga mo Zach," bulong ko sa sarili. Hayy, ano'ng irarason ko sa kanila, lalo na kay Anthony. The fact na hinalikan ko ang kapwa ko lalaki, nang walang pumipilit sa akin, ay sapat na para sabihing hindi ako straight. Ughh. Problema talaga ang dala ng Tunying na to. Inalis ko muna ang mga ito sa aking isip at binuksan ang phone.
Ikinabit ko ito sa aking laptop at ilang code lang ay nabuksan ko na ito. Kanino nga ba ang cellphone na 'to?
Pumunta ako sa gallery. Ah, isang lalaking vain. Sandali, pamilyar ang hitsura nito ah. Matingnan nga ang messages.
Albert, magtago ka na. Nandyan na ako.
From: Unknown NumberIbig sabihin, ang phone na ito ay pagmamay-ari nung Albert na kaibigan nina Ram at Jane. Kaya pala pamilyar ang hitsura niya.
Dahil na-curious ako sa aking unang nabasa. Tinungo ko ang umpisa ng.conversation nila.
Base sa aking nabasa, si Albert ang pumatay kay Roco. May video footage na nakunan siyang itinulak si Roco. Pero ang sagot naman ni Albert, aksidente raw ang nangyari at gusto niyang magpaliwanag.
Iisa lang ang alam kong mananakot kay Albert ng ganito. Eksakto namang pumasok si Ram sa aking kuwarto. Hindi ko alam kung paano ibabalita sa kanya ang aking nalaman pero kailangan ko itong sabihin.
"Huy, tapos ka na pala dyan. Bakit 'di ka pa bumaba?" wika niya.
"Ram. Si Albert ang pumatay kay Roco," bigla kong saad.
BINABASA MO ANG
Kubli [Continuation of Sikreto 1]
General FictionNagbago na ang lahat. Hindi na maaaring ibalik ang nakaraan. Hindi na pwedeng itama ang mga maling nagawa. Ngayong ang mga sikreto ay tuluyang nabunyag, ano ang dapat gawin? Problema'y dapat bang harapin o magKUBLI na lang sa dilim? Halina't tunghay...