Nagising akong nakayakap na kay Tunying at ganun din siya sa akin. Sa 'di malamang dahilan, hindi ko kaagad inalis ang aking yakap; pinagmasdan ko muna siya. Payapa siyang natutulog. Tila walang iniindang sakit.
Napaisip ako. Ano kaya'ng nararamdaman ng taong may AIDS? Mahirap, for sure. Pero heto nakikita ko kung paano niya hinaharap ang buhay nang positibo lang. Parang hindi na siya takot sa kung ano'ng posibleng mangyari sa kanya sa bawat paggising niya.
Nagulat ako nang bigla siyang magsalita nang nakapikit. "Mukhang nag-eenjoy ka sa yakap ko ah," pang-aasar niya na siyang nagpabalikwas sa akin. Dahil sa pagmamadali ko na maialis ang aking kamay sa kanyang katawan, hindi ko namalayang nasa dulo na pala ako ng kama. Nalaglag ako.
"Aray, shet," inda ko sa sakit ng puwet ko dahil sa pagkakahulog. Nilingon niya ako nang hindi pa rin bumabangon.
"Hahahaha," malakas niyang tawa. Hindi man lang ako tinulungan ng peste.
Imbes na maasar, kinabahan ako. "Kanina ka pa gising?" tanong ko na tinanguan niya habang nakangiti pa. "E-edi nakita mo 'yung pagtitig ko?" dagdag ko pa.
"Weh? Tinititigan mo ako kanina? 'Di ko alam 'yun ah. Paano ba 'yun? Isa pa nga?" halata ang pagkukunwari sa boses niya.
"Ewan ko sa 'yo," inis kong saad saka tumayo at pumunta sa banyo.
"Honey, bilisan mo dyan. Iluluto ko lang 'yung almusal natin," patawa-tawa niyang sigaw mula sa aking kuwarto.
"Aghh," bulong ko habang mahinang sinasabunutan ang sarili. Naghilamos ako nang maraming beses. Ano ba'ng nangyayari sa akin? Sinabi ko na nga ba't walang magandang maidudulot ang pagpapatira ko kay Anthony rito.
Hindi ako bakla pero may something akong nadarama tungo sa kanya pero sigurado ako na hindi ito something romantic. Marahil ay hinahangaan ko lang siya dahil sa matapang at masaya niyang disposisyon. Baka naiinspire rin ako sa kanya dahil sa katatagan niya.
Tama Zach. Hindi mo siya gusto. Period.
Matapos kong magmonologo at mag-isip-isip sa aking sarili, lumabas na ako at nag-ayos ng sarili. Maghuhubad lang sana ako gaya ng nakasanayan pero naalala kong may iba na pala akong kasama sa bahay. Bumaba ako at hindi nga siya nagbibiro, nagluluto nga siya.
Seryoso ko siyang pinagmamasdan nang mapansin niya ako.
"Oh Zach, 'di ko namalayan ang paglapit mo ah. Wait lang, pinapalambot ko pa 'tong pasta," abiso nito habang naghihiwa ng ham. Carbonara yata ang lulutuin niya.
Tumango lang ako at iniwan siya sa kusina. Wala ako sa mood ngayon dahil naba-bother pa rin ako sa nararamdaman ko.
Umakyat akong muli sa kuwarto ko para libangin ang sarili. Manonood lang ako ng movie saglit.
Natapos ko na ang isang buong 2-hr Harry Potter movie pero hindi man lang ako tinawag ni Anthony. Ano'ng nangyari dun? Baka sinaksak na niya ang kanyang sarili. Mabuti at humupa na 'tong agam-agam ko sa aking nadarama. Okay na ako. Habang pababa ako, unti-unti kong naririnig ang tawanan. Tsk, bumisita na naman ang makulit kong bestfriend.
Nadatnan kong pinupunasan ni Bernard ang labi ni Anthony. Napanganga ako. "Ehem," pang-aagaw ko ng kanilang atensyon.
Parang wala lang kay Anthony at Burn ang pagdating ko.
"Oh Zach. Bakit kasi natulog ka ulit? Tatawagin na sana kita kanina kaso dumating 'tong matalik mong kaibigan. Halika, pagsaluhan na natin 'tong carbonara," anyaya ni Anthony.
"Yeah, you deffo need to taste this. Pang 5-star hotel ang class," papuri pa ni Burn.
"Weh? Matry nga," umupo ako sa tabi ni Anthony kahit may kaunti akong tampo sa hindi niya pagtawag sa akin. Halos malimutan ko ang pangalan ko nang malasahan ko ang kanyang luto.
![](https://img.wattpad.com/cover/64940161-288-k154085.jpg)
BINABASA MO ANG
Kubli [Continuation of Sikreto 1]
General FictionNagbago na ang lahat. Hindi na maaaring ibalik ang nakaraan. Hindi na pwedeng itama ang mga maling nagawa. Ngayong ang mga sikreto ay tuluyang nabunyag, ano ang dapat gawin? Problema'y dapat bang harapin o magKUBLI na lang sa dilim? Halina't tunghay...