Agad kong nilapitan ang kuya ko at niyakap siya nang pagkahigpit-higpit.
Wala akong masabi ngayong nakita ko na siya ulit. Lahat ng tampo, inis, at tanong ko sa kanya ay biglaang nawala. Sobra kong namiss ang kakulitan niya. Babatiin ko na sana siya nang magulat kami sa sigaw ni mama sa labas. "Oh my goddddd. Ahhhh! Multo!"
Nag-aalala naman akong lumabas para malaman kung bakit nagsisisigaw si mama.
"Anong nangyari?" tanong ko kaagad paglabas ko ng bahay.
Napalingon ako sa tinitingnan ni mama na mukhang takot na takot sa pagkakataong iyon.
Parang tumakas naman lahat ng dugo sa aking katawan dahil sa aking nakita. Nakatayo at buhay na buhay ang taong minahal ko. Kita sa kanyang mukha ang pagtataka sa inasta ni mama.
"Roco," mahinang sabi ko sa sobrang pagkagulat. Paano nangyari 'to? Nakita ng dalawang mata ko ang duguang katawan niya sa school. Nandoon din ako sa araw ng kanyang libing. Sigurado akong patay na siya. Pero kung totoo man itong nakikita ko, salamat sa Diyos.
"Hi guys, I'm here," bati nito nang nakangiti. "Akala niyo hindi ko kayo masusundan? Boring kaya sa bahay," dugtong niya habang papalapit sa amin.
Anong ibig niyang sabihin? Magkakasama silang lahat kanina bago pumunta rito?
"Roco, ikaw ba talaga 'yan?" sa dami ng gusto kong itanong, ito ang napili ko.
"Uhmm, it's Rico not Roco. But just call me Burn. I like it that way 'coz it makes me hot. I presume you're the famous Ram. Glad to meet you," sabay lahad ng kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at nakipagkamay kahit hanggang ngayon ay wala pa rin akong masabi. Wala akong ma-gets. Ibig sabihin, ito 'yung totoong Rico na kambal ni Roco? Akala ko patay na siya.
"Bernard. I told you, it's not the right time," hinila ni Zach palayo sa akin si Rico. Magkakilala silang dalawa? Parami nang parami ang katanungan kong kailangan ng kasagutan.
"I just wanna meet the person my twin liked. Anong masama dun? Two months na since mamatay ang kapatid ko. I think everyone has already moved on," sabi nito habang kumakawala sa hawak ni Zach. "Wala nang rason para itago ang mga little secrets na 'to. Sooner or later, our paths will meet din. Bakit pa patatagalin 'di ba?" dagdag pa niya.
"Uhmm, guys baka pwedeng sa loob na lang natin pag-usapan 'to," singit naman ni kuya Anthony.
"Good idea," pagsang-ayon ni Rico. Sumunod naman kami sa loob pati na ang gulat na gulat ding si mama.
—————————"Si Bernard ang pinakamatalik kong kaibigan. Hindi ako mabubuhay noong bata pa ako kung wala siya," panimulang kuwento ni Zach tungkol sa kung paano sila naging magkakilala ni Rico.
"Don't mention it. Maliit na bagay," pagmamalaki naman nitong si Rico. Kung may malaking pagkakaiba man sina Roco at Rico, ito ay ang pagiging mas madaldal ni Rico. Andami niyang sinasabi.
"Hindi ka ba nagtataka dati kung bakit parang kilalang-kilala ko si Roco? Yung panahong binabantaan pa kita na mag-ingat sa kanya. Sabi ko lang hawak ng agency namin ang imbestigasyon sa kaso niya diba? Pero ang totoo, binabantayan namin siya para hindi mapahamak, dahil ito rin ang gusto ng mokong na 'to," pagpapatuloy ni Zach sabay turo kay Rico.
"Well syempre, kambal ko pa rin siya. Kahit na muntik na akong mamatay dahil sa kanya, mahal ko pa rin 'yun," seryoso namang sinabi ni Rico.
"Kung mahal mo siya, bakit mo siya iniwang mag-isa? Hindi ka ba naawa sa kanya?" ako ang nagtanong. Hindi ko matingnan sa mata si Rico. May kakaiba kasi akong nararamdaman sa loob ko na hindi naman dapat.
BINABASA MO ANG
Kubli [Continuation of Sikreto 1]
General FictionNagbago na ang lahat. Hindi na maaaring ibalik ang nakaraan. Hindi na pwedeng itama ang mga maling nagawa. Ngayong ang mga sikreto ay tuluyang nabunyag, ano ang dapat gawin? Problema'y dapat bang harapin o magKUBLI na lang sa dilim? Halina't tunghay...