Niyaya pa ako ni Jane na kumain sa isang resto pagkatapos naming magsine. Umayaw ako noong una dahil gastos na naman. Kahit naman may pera na ako, hindi ko naman kailangang magwaldas na lang. Mahalaga ang pera para mabuhay.
"Dali na. Libre ko na 'to kasi sinamahan mo naman ako eh," parang pumalakpak ang tenga ko pagkasabi niya pa lang ng salitang libre.
"Sige na nga," pagpayag ko na kunwari ay napilitan lang pero sa loob-loob ko'y nagbubunyi ako.
"Tara sa burger magic, masarap daw dun eh," yaya niya na sinang-ayunan ko na lang din.
————————————"Woah, ang laki naman ng burger na 'to!" hindi ko napigilan ang paglabas ng aking emosyon dahil sa nakita.
"Quarter-pounder beef patty with cheese overload," pagbanggit ni Jane ng pangalan ng pagkain. "Tara, let's eat," sabi niya pagkatapos picture-picturan ang nakatatakam na pagkain.
Unang subo ko pa lang ng hiniwa kong parte, halos magdiwang ang aking dila. Ang sarap ng patty niya! Siksik ang laman. Maasim yung catsup, masarap din yung cheese. Pati gulay, perpekto ang pagkakagawa. Whoo heaven.
"Ang sarap," papuri rin ni Jane sa pagkain. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagkain.
Ilang sandali lang, nagdaldal na naman si Jane.
"Onga pala. Bakit naiyak ka sa R and J kanina? Mas OA ka pa ngang lumuha sa akin eh. You seem so affected. Kala mo kung sinong may lovelife, haha," pang-aasar nito.
"Ah, wala. It's just that magaling ang portrayal nung cast. Tagos to the bones. Kahit walang akong lovelife, malakas ang impact ng movie," palusot ko. Partly true naman ang pahayag ko dahil superb talaga ang acting ng mga nagsipagganap.
"I agree. Ang galing nga nila OH MY GOD," napatingin ako bigla sa hitsura ni Jane. Akala ko sobrang nagalingan siya pero napansin kong nakatingin siya sa labas at nakakita ng multo.
"I-it can't b-be true. Ram, look si Rico oh!" turo niya sa akin sa labas ng glass walls. Tumingin naman ako kaagad dahil si Rico este Roco ang pinag-uusapan dito. At nagulat ako sa nakita. Shit, si Roco nga! Sobrang kamukha niya. Siya rin yata 'yung nabangga ko kanina na kaboses ni Roco. Naglalakad siya papuntang escalator.
Sa sobrang excitement ko, agad akong tumayo at lumabas ng resto para sundan ang lalaki. Nagulat ako nang sumunod din si Jane sa akin.
"Ma'am, Sir, bayad niyo po," paghabol naman ng waiter na hindi namin pinansin dahil sa pagmamadali.
"Excuse me po, excuse lang. Excuse me," aligaga kong sinasabi sa mga hinahawi at nababangga kong mga tao na bumababa rin sa escalator. Nang marating ko ang ground floor, hindi ko na naman makita ang lalaki. Tsk. Sinubukan kong lumabas sa katapat na exit ng mall.
Agad kong iniscan ang lugar paglabas ko pero hindi ko namataan ang lalaking sinundan ko.
"Asan na?" hingal na tanong ni Jane na nakasunod sa akin.
BINABASA MO ANG
Kubli [Continuation of Sikreto 1]
General FictionNagbago na ang lahat. Hindi na maaaring ibalik ang nakaraan. Hindi na pwedeng itama ang mga maling nagawa. Ngayong ang mga sikreto ay tuluyang nabunyag, ano ang dapat gawin? Problema'y dapat bang harapin o magKUBLI na lang sa dilim? Halina't tunghay...