Past|Present|Future Part 1

1.7K 14 4
                                    

CHAPTER 1:

PAST|PRESENT|FUTURE Part 1

Sampung taon nang nakalipas, napakalakas ng ulan. Nagsisipaglikas na ang mga tao habang ako ay naghihintay kay nanay sa bahay. Habang hawak-hawak ang lamparang di nawawalan ng sinag, ang iisang bagay na iniwan samin ng tatay ko.

"Knowa! Knowa! Anak ko!"

"Nay! Nandito po ako!"

Dumating na si nanay at tumatakbo siya patungo sakin, habang ako naman ay kumakaway sa kanya para makita niya ako ng biglang, may mga lalakeng humila sa kanya at nagpumiglas naman si nanay.

"Nay!!!"

"Anak!! Wag kang lalapit! Magtago ka anak!"

"Nanay!"

Itinago ko ang sarili ko sa takot at sumilip sa isang maliit na butas sa bahay para makita ang nangyayari. May isang lalake pa ang nakasalamin ang dumating kakaiba siya sa mga lalakeng nandun sa tingin palang dahil iba ang aura niya. Tinanggal niya ang salamin niya ng makarating siya sa harap ni Nanay na nakahalundusay sa lupa. Nakita ko ang mga mata niya na parang Buwan sa gabi na nagbibigay liwanag at takot pero napakaganda nito pagmasdan. Maya-maya pa nakita ko ang Nanay kong pinatay nila. Di ako makakilos sa kinalalagyan ko dahil sa nakita ko.

"Nanay...nanay..." mahina kong sinasambit ng walang kamalay-malay.

"Ganun pala ang nangyari. Pero pano ka napunta sa gilid ng paaralan kung san kita natagpuang nanginginig at mataas ang lagnat?" tanong ni Pastor Daniel.

"Di ko din po alam kung pano, wala na po akong maalala pagkatapos nun. Ang sunod ko nalang pong maalala nasa ospital po ako at nandun po kayo't nakabantay sakin" sagot ko.

"Maaaring kaya di mo maalala ang sunod na nangyari ay dahil sa pagkabigla sa iyong nakita, hindi maganda sa edad mo nun na makakita ng ganung kasakit na bagay." paliwanag ni Doc Shiena.

"Pero doc magandang senyales na nagagawa niya nang sabihin ang nangyari di ba?" tanong ni Pastor Daniel.

"Masyado ka namang pormal Daniel parang di tayo nagkikita at nag uusap tuwing linggo." banat ni Doc Shiena.

"Syempre nandito tayo hhooossspital mo eh haha." makulit na sagot ni Pastor.

"Sige lang tuloy mo yan! Oo napakagandang senyales na nagagawa niya nang iopen ang nakaraan niya." paliwanag ni Doc.

"Narinig mo un Knowa? Gumagaling ka na." masayang sinabi ni Pastor.

"Oo nga po Pastor salamat po sa tulong niyo!" pasalamat ko.

"Instrumento lang ako." Reply niya.

Matapos ang check up ko nagyaya si Doc Shiena na kumain sa labas para icelebrate ang malaking progress ko sa paggaling since wala naman daw siyang gagawin.

"Knowa next time magpakita ka ulit ng malaking progress ah para makalibre ulit tayo." Biro ni Pastor.

"Next time kami nalang ni Knowa di ka na kasama." pang aasar ni Doc.

"Knowa next time uwian mo nalang ako ah!" follow up na banat ni Pastor.

Di maipinta ang kasiyahan ko ng mga oras na 'to, basta kasama ko si Doc Shiena at si Pastor di pwedeng walang asaran at tawanan na mangyayari. Madalas pumapasok sa isip ko na bagay silang dalawa, si Doc matapang at nakakatakot na babae pero pag si Pastor Daniel na ang kasama niya nagmumuka siyang malambot at mahina in short nagmumuka siyang babaeng-babae.

Nakarating na rin kami sa lugar kung saan kami kakain, pero pinauna na ako nila Pastor para makakuha na ng mauupuan habang pina-park nila ang kotse.

Knowa: The Birth of the PyroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon