Abductions Part 2

198 5 0
                                    

CHAPTER 14:

ABDUCTIONS Part 2

Lunch time na! Sabay-sabay kaming apat ni Cisco, Ailee at Angel. Mukang maganda atang lagi namin kasama si Cisco, dahil di ako nakukulit ni Ailee kaya lang away naman sila ng away.

"Angel!" tawag ko.

"Bakit Knowa?" sagot ni Angel.

"Pano nalaman ni Ailee na nawawala si Ralph gayong walang nakakaalam nito sa school? Ang tanging alam lang nila eh expelled na siya." tanong ko.

"Hindi pa ba nasasabi ni Ailee sayo?" tanong niya pabalik.

"Ang alin?" tanong ko.

"Sila Ailee ang may-ari ng school na to! Anak siya ng Presidente! Kaya alam niya ung tungkol kay Ralph ay dahil board member ang Father ni Ralph at istudyante din si Ralph dito, huli siyang nakita during school time kaya sa school ung Father niya kumuha ng impormasyon. " kwento niya.

"Di ko alam na mayaman pala sila Ailee." sabi ko.

"Di kasi niya gusto ipaalam sa mga tao, kaya ginagamit niya ung pagmmake up na parang trying hard siyang magpaganda." paliwanag ni Angel.

"Pano nga pala kayo nagkakilala?" tanong ko ulit.

"Magkababata kasi kami. Sobrang close naming dalawa na halos magkapatid na ang turingan namin. Only child kasi si Ailee kaya ako ang naging ate niya. Nagkakilala kami nung grade 1 palang kami." kwento niya.

"Sobrang tagal niyo na palang magkakilala. Pero ba't ngayon lang nag-aral si Ailee dito kung sila pala may-ari ng school na to? At sabay pa kayo?" tanong ko ulit.

"Ayaw kasi ni Ailee na magkahiwalay kami kaya di siya dito nag-aral. Nagkaproblema kasi pamilya ko muntikan na kong tumigil sa pag-aaral dahil natanggal si Papa sa trabaho niya sa abroad. Ayaw ni Ailee na magkahiwalay kami kaya kinausap niya Daddy niya at ang binigay saking offer na scholarship ay dito, kaya lumipat na rin si Ailee. Blessing samin si Ailee." kwento niya.

"Kaya pala! Ganun pala nangyari." sagot ko.

"Teka puro ako nagkekwento ah! Ikaw naman." sabi ni Angel.

"Ah.. Eh.. Ano ba ikkwento ko?" tanong ko.

"Hmm... Pwede ba ung tungkol sa magulang mo? Kung okay lang!" pakiusap niya.

"Ayos lang! Ung-" di ko natuloy ung sinabi ko dahil nagring na ang bell.

"Knowa my labs! Tara sabay na tayo!" sabi ni Ailee sabay yakap sa braso ko.

Bigla namang lapit ni Cisco sakin "Knowa wag mo siyang hayaang dikitan ka nang ganyan, baka umikli lang buhay mo. Di mo ba nakikita? Isang malaking virus yan!" pang-aasar ni Cisco.

"Ah gusto mo pa ah! Halika dito at buhay mo paiikliin ko!!" banta ni Ailee.

"Huli ka na dahil napaghandaan na kita may kaspersky, mcfee, avast, etc. na kong nalagay sa utak ko kaya di mo nako mapopolute tulad ng ginagawa mo sa kaibigan ko!!" laban ni Cisco.

"Ayaw mo talaga akong tigilan ah!!! HALIKA DITO!!!" galit na sagot ni Ailee.

"WAAH!!! TULONG!!! May mangkukulam! May mangkukulam!" sabay takbo pagkasigaw nito ni Cisco.

"Aba talagang!!! Wag ka nang magpapakita dito kung mahal mo pa buhay mo!!!" nakakatakot na banta ni Ailee.

"Ganyan ba talaga nakakatakot si Ailee?" tanong ko kay Angel habang walang emosyon ang muka.

"Sa totoo lang ngayon ko lang din siyang nakitang ganyan. Oo nga nakakatakot nga!" sagot ni Angel habang wala ring emosyon ang muka.

"ANONG PINAG-UUSAPAN NIYO DYAN?!!" tanong ni Ailee habang nanlilisik ang mata.

Knowa: The Birth of the PyroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon