CHAPTER 22:
MEN IN BLACK
Pagbalik namin sa HQ agad silang nagsipagpuntahan sa kanikanilang locker at ako naman ay sa sarili kong kwarto. Naghubad ako ng damit at nagshower sandali at pagkatapos nito ay pumunta ako sa damitan ko, sabay bukas ng cabinet. Pagbukas nito ay tumambad sakin ang isang damit na nakabalot pa ng plastic at nakasabit sa hanger.
Tiningnan ko kung ano ito at napansin na may nakasabit na tag. Kinuha ko ito at binasa ang nakalagay sa tag, at nabasa ko ang pangalan ko at student number ko at ang mensaheng nagsasabing ito ang suotin ko para sa party namin nagaganapin ngayon.
Agad ko itong tingnanggal sa pagkakabalot at isinuot, isa itong tuxido na napakaganda ng pagkakagawa, saktong sakton sa katawan ko na para bang ginawa ito para lamang sakin.
Matapos nun ay agad akong pumunta lugar ng pagdidiriwangan ng aming Reward Party para sa mga nakapasa sa nakaraang pagsusulit.
Habang nagmamadali ako sa pagpunta dahil sa late na ako, nakita ko si Cisco sa entrance ng hall, kaya huminto ako sa harapan niya para siya ay kausapin.
"Cisco, ano ginagawa mo dito? Kasama ka ba sa party?" tanong ko.
"Oo kasama ako pero di naman dapat kaya lang sabi ni Captain Tera pumunta daw ako at meron daw ipapagawa sakin." sagot niya.
"Ah ganun ba? Eh anong ginagawa mo dito? Ba't di ka pa pumasok?" tanong ko ulit.
"Hinihintay kita para may kasama ako." sagot ulit niya.
"Ah sige tara sabay na tayong pumasok." Yaya ko naman sa kanya.
Sabay kaming pumasok ni Cisco sa party at tumambad sakin ang napaka kakaibang party. Para akong nasa amusement park pero indoor. Di ko akalain na may ganto sa HQ namin at may ganto ring kalaking kwarto. Nais ko sanang tanungin si Cisco tungkol dito pero naisip ko na magmumuka lang akong tanga dahil alam kong marami pang darating na gantong pangyayari sa buhay ko. Kaya umasta nalang ako na parang expected ko na o wala lang sakin to.
Pero ang hindi ko mapapalampas na napansin ko ay, bakit kami lang ni Cisco ang naka suot ng Tuxido lalo na ako sa lahat ng istudyante na nandudun.
"Cisco, bakit parang tayo lang ang nakaformal attire sa lugar na to?" tanong ko na may pagtatakang tunog.
"Di ko alam nagtataka din ako bakit ganyan ang suot mo. Bakit nga ba?" tanong niya pabalik ng may pagtataka din.
"Nakita ko lang ito sa closet ko at may nakasulat na ito ang suotin ko para sa party na to." sagot ko.
"Baka kasama kita sa ipapagawa sakin ni Dad, di kaya?" tanong niya na may paghihinala.
"Maari." sagot ko naman na umaagree sa sinabi niya.
Natahimik kami ni Cisco dahil sa mga hinala namin at nag-isip ng malalim kung bakit at ano ang ipapagawa sa amin. At habang seryoso ako sa pag-iisip biglang nagsalita si Cisco.
"Well, mamaya pa tayo kakausapin ni Dad, so sa ngayon ienjoy mo nalang muna ang party na to, tutal reward mo to since isa ka sa mga pumasa sa Isla sa Mindanao." sabi ni Cisco.
"Oo, nga at tutal nandito ka na rin sumama ka na rin sakin sa pag celebrate." sagot ko.
"Kala ko di mo na sasabihin eh, tara na kanina pa ko natatakam sa lechong kawaling nakita ko kanina." banat niya sakin sabay hila ng kamay ko patungo sa mga pagkain.
***********************************************************
Matapos ang 3 oras na pagsasaya namin ni Cisco sa party, sa pagkain at pagsakay ng mga rides at paglalaro ng mga games ay dumating na si Captain Tera. Nagsalita ang announcer sa isang mic at lumabas ang boses niya sa lahat ng speakers para marinig siya ng lahat ng taong nasa kwarto.
BINABASA MO ANG
Knowa: The Birth of the Pyro
FantasyThe Birth of the Pyro is part of the whole Knowa's story. It is the first part where the teenage life of Knowa also known as Ken the Pyro will change and face the hidden reality about people who has a supernatural abilities known as orb bearers.