Past|Present|Future Part 3

370 7 1
                                    

CHAPTER 3:

PAST|PRESENT|FUTURE Part 3

"Knowa my labs!!"

Ayan nanaman ung high pitch na boses ni Ailee. Kasama niya ulit si Angel at tumatakbo siya patungo sakin habang si Angel ay naglalakad lang. Sabay yakap ni Ailee sa braso ko.

"Ba't bigla mo nalang akong tinakbuhan kahapon? Di tuloy tayo nakapagdate!" paawang sinabi ni Ailee.

"Ha? Anong date? May hinabol kasi ako kahapon." sabi ko.

"Sino naman hinahabol mo?" tanong ni Ailee.

"Ah wala! Di importante un. Tara pasok na tayo." sagot ko.

Naglalakad na kami patungong classroom ng harangin kami ng grupo ni Ralph.

"Hi Angel! Gusto mo ba kumain sa labas? Tara!"

Sabay hila sa kamay ni Angel. Pero pumiglas si Angel.

"Pasensya na may klase pa ko at di ako kumakain sa labas na di ko kakilala ang kasama ko." paliwanag ni Angel.

"Ganun ba? Ako nga pala si Ralph Santiago anak ng isa sa board members ng school na to! So okay na? Tara na!"

Sabay hila ulit sa kamay ni Angel.

"Aray! Teka di nga ako sasama!" pumiglas ni Angel.

"Hoy masamang hangin sa tiyan bitiwan mo nga bestfriend ko!!" sigaw ni Ailee.

Sabay kagat ni Ailee sa braso ni Ralph.

"Araaay!! Tarantado ka ah!!!" sigaw ni Ralph.

Sabay damba ng sampal kay Ailee pero napigilan siya ng nakita kami ni Ma'am De Vera.

"Mr. Cruz!!! Sa guidance office NGAYON NA!!! Kayong tatlo sumama na rin kayo."

(Hay! Umagang-umaga palang sa 2nd day of school ganto na kaagad ang nangyayari, ano pa bang susunod?)

"You may sit down!"

Sabi nang isang babaeng makapal ang salamin at aura palang niya di mo na gugustuhing magloko sa harap niya.

Habang nakaupo nakatingin ako sa mga taong nauna samin, nakatalikod sila pero maya-maya pa ay lumingon ang isa na naka-uniform tulad ko. Pagharap niya ay nakiwa ko ang muka niya. Si Cisco!! Sino kaya kasama niya? Di kaya...

"Okay! Ms. Angel Heart Sarmiento, Ms. Alyzza Ann Soriano, Mr. Ralphael Santiago at mga buntot niya and... Mr. Knowa De Leon!"

Pagsabi ni Ma'am sa pangalan ko napansin kong lumingon sakin ang kasama ni Cisco. (Sino kaya yun?) pagkatapos lumingon sakin ay binulungan niya si Cisco at lumingon din sakin si Cisco. (Mukang ako pinag-uusapan nila ah!)

"Okay! Ako nga pala bagong Guidance Counselor niyo. I'm Mrs. Armanda Herrera."

Mrs. Herrera? Di kaya mamaya si ni Cisco? Kung ganun ung kasama nga niya dun ay...tatay niya!

"So pakisabi kung anong nangyari?" sabi ni Mrs. Herrera.

Ipinaliwanag ni Ailee ang lahat ng nangyari habang ako nakatitig lang kela Cisco. Maya-maya ay tumayo na sila Cisco at lumabas ng office.

"Kung ganun! Mr. Cruz I want to talk to your dad tomorrow! Ikaw na ang magsabi dahil wala siya ngayon sa school. Di ka pwdeng pumasok sa mga klase mo hangga't di ko siya nakakausap. Pumasok ka man considered absent ka pa rin."

"Teka di makatarungan to ah! Di mo ko pwedeng ganyanin. Di mo ba ko kilala?" reklamo ni Ralph.

Nang pagpasok namin sa guidance office meron nang ibang taong nauna samin.

Knowa: The Birth of the PyroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon