The Positive Energy Orb

383 8 1
                                    

CHAPTER 4:

THE POSITIVE ENERGY ORB

Ilang linggo na ang nakakalipas ilang gabi ko naring paulit-ulit napapanaginipan ung Phoenix. Ano kaya ibig sabihin nun?

Gusto ko sana itanong kay Cisco ang tungkol dun, dahil siya ang may alam sa mga kababalaghang natutuklasan ko ngayon. Kaya lang pagkatapos nung araw na rin na un di na siya pumapasok. Kaya ngayon puno nang katanungan ang isip ko.

"Knowa my labs!!" tawag sakin ni Ailee na kasama si Angel mula sa malayo.

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo. Sigurado ka bang okay ka lang? Ilang linggo ka nang ganyan ah!" tanong ni Ailee.

"Wala lang to, okay lang ako!" sagot ko.

"Hay tara na nga lang sabay na tayong pumasok." yaya ni Ailee sabay yakap sa braso ko.

At habang naglalakad papunta sa klase ang daming kinekwento ni Ailee, nakikita kong gumagalaw ang labi niya pero wala akong maintindihan dahil sa di ko mapigilang isipin ang mga nangyayari. Gustong gusto ko na malaman ang mga sagot nasan ka na ba Cisco? Ba't ang hirap-hirap mo hagilapin?

Nakadating na kami ng klase, dumeretcho kaagad ako sa upuan ko habang nag-iisip pa rin. Napalingon ako sa pwesto nila Ailee at Angel at sa tabi ni Angel, nakita ko si Cisco. (CISCO!!!) sigaw ko sa isip ko. Nandyan na pala siya di ko napansin dahil siguro ang lalim ng iniisip ko. Tumayo kaagad ako at nilapitan ko siya.

"Cisco sumunod ka sakin dali!!" sabi ko pagkalapit na pagkalapit ko.

Dinala ko siya sa classroom kung san huli kaming nag-usap.

"Ba't dito ulit tayo nagpunta?" tanong ni Cisco.

"May gusto akong itanong." sagot ko.

"Ano ba un?" tanong niya ulit.

"May lampara kasing iniwan samin ang tatay ko. Kakaibang lampara siya, walang hawakan at lalagyan ng gasolina pero, kahit kailan di pa nawalan ng sinag at di umiinit ang salamin niya." kwento ko.

"Kakaiba ngang lampara yan ah! Pero teka ba't mo sinasabi sakin yan? Ano ba kinalaman ko dyan?" sabi ni Cisco.

"Nung araw kasi na huli tayong nag-usap nakita ko siya. Kinuha ko at pinagmasdan maige, wala ngang hawakan, walang gasolina at di umiinit." paliwanag ko.

"Teka nasan na ba tatay mo?" tanong ni Cisco.

"Patay na siya! Ang kwento ni Nanay pinatay daw siya ng isang grupo ng mga lalake, nakita daw niya ang lahat ng nangyari." sagot ko.

"Sorry! Eh ung nanay mo nalang tanungin natin." suggestion niya ulit.

"Patay na rin siya! Pinatay din siya ng isang grupo ng mga lalake." reply ko.

"Patay na pala mga magulang mo. Pasensya na di ko alam." paumanhin niya.

"Ayos lang!" sagot ko.

"Pero teka pareho sila nang kinamatayan? Di kaya iisa lang ang grupong pumatay sa kanila?" opinyon niya.

"Yun din ang naiisip ko." sagot ko.

"Pero ano nga ba ang kinalaman ko dyan? Ano ba ung tatanong mo?" tanong niya.

"Sasabihin ko na. Nung narealized ko kasi ung mga bagay-bagay na to, biglang sumakit ung ulo ko habang hawak ung lampara at hinimatay ako. Pagkatapos nun may kakaiba akong napanaginipan." kwento ko.

"Ano naman napanaginipan mo?" tanong niya.

"Sa panaginip ko napaka dilim, wala akong makita kahit ang mga kamay ko. Pero maya-maya biglang umulan ng mga balahibo ng ibon na nagliliwanag, kasunod nito sa harapan ko may biglang lumiyab na apoy napakaliwanag nito. Pagkatapos nun ung apoy naging ibon sabay lumipad patungo sakin, pagkatapos nun nagising na ko. Simula nun gabi-gabi ko na napapanaginipan yun." sagot ko.

Knowa: The Birth of the PyroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon