The Story of the Forgotten

205 6 4
                                    

CHAPTER 18:

THE STORY OF THE FORGOTTEN

(Professor Unknown the Oblivion's Past)

Nung bata pa ko napakasaya ng buhay namin, buo ang pamilya namin at mahal na mahal ng Tatay ko si Nanay pati na rin kami. Namulat kami sa walang kapantay na pagmamahal ng magulang namin, lagi kaming sabay kumain sa umaga, tanghali o gabi man.

May apat akong kapatid dalawang lalake at dalawang babae at ako ang bunso. Lahat sila kaclose ko, madalas ko din sila kalaro dati. Halos kung iisipin mo kami ang pamilya na sa panaginip mo lang makikita, pero totoo kami.

Ang Tatay ko ay isang cook sa isang restaurant, napakagaling niya magluto at para samin walang tatalo sa mga luto niya, hanggang ngayon nga di ko pa rin makalimutan ang lasa ng mga luto niya at hanggang ngayon hinahanap-hanap ko rin siya.

Ang Nanay ko naman nasa bahay lang, siya ang nag-aalaga saming lahat. Siya ang gumigising ng maaga para ipagluto kami at gisingin kami upang maghanda pumasok. Lagi siyang nakangiti kahit na pagod na pagod na siya at dahil sa ngiti na yun lagi kaming napapasunod sa kanya kahit tinatamad kami. Nakakamiss ang ngiti niya sakin at ang pagtawag niyang anak.

Ang pangana'y naman namin si Kuya Eric, siya ang pangalawang Tatay namin dahil sa siya ang pinaka matanda. Pag may sakit ang Nanay siya ang nag-aasikaso samin at nag-aayos sa bahay. Ang sumunod naman sa kanya si Ate Monica, matalino naman si Ate Monica laging nasa Top at First Honor kahit di naman subsob sa pag-aaral. Ang sabi ng doctor may photographic memory daw siya kaya ganun, pinangako niya kay Tatay na itatayo niya ng sariling restaurant si Tatay paglaki niya at natupad nga niya yun.

Ang sumunod naman kay Ate Monica ay si Kuya Rico, makulit naman si Kuya Rico siya ang komidyante ng pamilya namin kaya laging maingay kapag agahan, tanghalian at hapunan sa bahay at kahit anong oras man. At ang huli ang sumunod kay Kuya Rico at sinundan ko, si Ate Aliza. Si Ate Aliza naman ang pambato namin sa pagandahan at kantahan, madaming nagkakagusto sa kanya pero di niya lang tinuloy ang dating pangarap niyang mag-artista, nagbago kasi ang gusto niya sa buhay.

Pero ang masayang pamilyang to ay patuloy na naging masaya kahit na may nawala sa kanila. Nung labing pitong gulang na ko habang naglalakad ako papauwi galing paaralan ay biglang kaguluhang nangyari sa dinadaanan ko. Nagtakbuhan ang tao taliwas sa direksyong tinatahak ko at mga ilang segundo pa sa kauna-unahang beses sa buhay ko nakakita ako ng mga Orb bearers.

May isang lalake na nagiging taong lobo ang tumatakbo palayo habang may dala-dalang isang nagliliwanag na bola na nalaman ko nung tumagal na Orb. Hinahabol sya ng tatlo pang Orb bearers na may kakayahan ng tubig, lupa at kuryente.

Nagagawang ilagan ng taong lobo ang bawat atake ng tatlong Orb bearers hanggang sa sobrang abala sa pag-ilag hindi niya nakita ang lupang inangat ng isa sa tatlong Orb Bearers kaya nadapa ito at nabitiwan ang Orb na hawak niya.

Lumipad ang Orb patungo sakin hanggang sa tumama ito sa aking dibdib at nasalo ko, maya-maya pumasok sa loob ko ang Orb at di ko na alam ang gagawin matapos nun. Nakita ito ng tatlong Orb bearers kaya ako naman ang sinugod nila, natakot ako at hindi nakagalaw sa kinalalagayan ko.....ng biglang naging yelo ang bawat atake nila.

Habang nakatingin ako sa muka ng tatlong Orb bearers nakita ang bakas ng pagkatakot sa mata nila habang nakatingin sa isang lugar. Tiningnan ko kung san sila nakatingin at ang sumulyap sakin ay isang lalake. Sa itsura niya halos kasing edad ko lang siya, pero ang tatlong Orb bearers ay mga nasa bente na pero nginginig sila sa takot nang makita nila to. Naging tanong sa akin yun dati hanggang sa nalaman kong Chrono ang tawag sa kanya at siya ang nagsisilbing pulis ng mga Orb bearers ng panahong yun. Sobrang gulo kasi ng panahon na yun dahil lantaran pa sa mga tao ang tungkol sa mga Orb bearers at hindi kinakaya ng mga pulis at army ang pagcontrol sa mga ito.

Knowa: The Birth of the PyroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon