CHAPTER 24:
MISSION START!
Nakarating na kami sa South Korea, maraming media ang sumalubong samin sa airport. Si Doc Shiena ang humarap sa kanila at hindi siya masyado nagbigay ng detalye, sandali lang din siya nag salita at nagpaalam na sa media na hinahabol pa rin kami sa dami ng tanong nila. Pinakiusap lang din ni Doc Shiena na wag ipakita ang aming mga muka at ibahin ang tunog ng boses namin sa T.V.
Dumeretcho na kami sa sundo namin at sumakay agad papunta ng tutuluyan namin. Ineexpect ko na sa hotel kami mananatili para sa misyon na 'to, pero huminto ito sa isang kalsada. Mula doon ay naglakad kami hanggang sa makarating sa isang kainan.
"Dito tayo mananatili sa misyon natin." sambit ni Doc Shiena.
Nagtaka ako sa sinabi niya dahil malayo ito sa inaasahan ko.
"Ano ba ang inaasahan mo? Kailangan natin maging low key. Ilagay na natin ang gamit sa loob at mag ayos. Ngayong gabi tayo magsisimula sa misyon natin." sambit ulit ni Doc Shiena.
"HA?! Di man lang ba tayo magpapahinga?" tanong ni Cisco.
"Meron lang tayong ilang araw, at mas magandang kumilos ng gabi, hindi nakikita ang mga galaw natin." paliwanag ni Doc Shiena.
Matapos nun ay nagsimula na kami magpasok ng gamit namin. Hindi naman marami ang dala namin. Isang maleta lang kung saan nandun na ang gamit naming tatlo, na binigay samin nung driver na naghatid samin dito.
Masaya kaming sinalubong ng mag asawang koreano na nagmamay-ari ng kainan. Idinala nila kami sa mga magiging kwarto namin. Wala akong alam sa lenggwahe nila kaya hindi ako nagsasalita. Pero si Doc Shiena ay parang bihasa sa pagsasalita nito. O baka yun lang ang tingin ko dahil hindi naman ako marunong nito.
Nagsimula na kong mag ayos ng damitan ko. Habang hinihintay matapos si Cisco maligo sa banyo.
"Patungan mo yung t-shirt mo ng hoody at leather jacket. Malamig mamayang hating gabi. Mamayang Alas sais ay aalis na tayo
" utos ni Doc Shiena."Sige po." sagot ko.
**********************************************************************************
Nahanap na namin ang building kung saan nananatili ang grupo ng Orb Bearer na tinatawag nilang Captain Steel. Walang ilaw, abandunado ang lugar.
"Meron akong nababasa na mga tao sa loob. Dito lang kayo papasukin ko sila para makakuha ng impormasyon. Agent Knuckle Head, pakibantayan mabuti si Agent Ken." sambit ni Doc Shiena.
"Roger that! Captain Slykill!" respond naman ni Cisco.
Nagsimula nang magtungo si Doc Shiena sa loob ng building habang kami ni Cisco ay tinitingnan lang siyang makapasok.
"Anong gagawin natin ngayon dito?" tanong ko kay Cisco.
"Ano pa nga ba? Edi maghihintay. Maghihintay sa signal na kailangan natin sumunod kay Captain or maghihintay na makabalik siya." sagot nito.
Magkakalahating oras na nang pumasok si Doc Shiena sa loob ng gusali pero wala pa rin kaming natatanggap na signal para sumunod.
Naghintay pa rin kami nang biglang may pumalo sa ulo ni Cisco sa likuran. Nakita ko nalang siya na walang malay sa lupa, habang ako ay nabigla sa nakita ko paglingon ko. Susubukan ko sana lumaban pero meron pang isa siyang kasama na may dalang Taser at ako ay napahalundusay sa lupa at hindi makagalaw.
Matapos nun ay tinakpan nila ng panyo ang bibig at ilong ko at nawalan na ako ng malay.
**********************************************************************************
BINABASA MO ANG
Knowa: The Birth of the Pyro
FantasyThe Birth of the Pyro is part of the whole Knowa's story. It is the first part where the teenage life of Knowa also known as Ken the Pyro will change and face the hidden reality about people who has a supernatural abilities known as orb bearers.