The Aftermath

327 8 0
                                    

CHAPTER 6:

THE AFTERMATH

Kinuha ni Grip ang bakal ng patungan ng lamesa na salamin. Maya-maya ay nag-iba ang itchura nito at naging bolo, sabay inatake si Cisco at naiiwasan naman ni Cisco ang atake nito.

"Tumakas na kayo Knowa! Ako nang bahala dito!!" utos ni Cisco.

Paalis na sana kami ni Pastor ng biglang...

"Teka di kayo pwede umalis!" sabi ni Hold.

Sabay takbo ng sobrang bilis samin at hinawakan niya si Pastor.

"Pastor!" sigaw ko.

"Di na siya makakagalaw hangga't nandidito pa ko at hangga't buhay pa ko haha!" sabi ni Hold.

"Knowa iligtas mo na ang sarili mo ayos lang ako!!" sigaw ni Pastor.

Di ako makakilos di ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na to.

"Knowa!! Umalis ka na! Ako na bahala kay Pastor!" sigaw ni Cisco.

"Tingin mo kakayanin mo kami mag-isa?" sabi ni Hold.

Sabay sugod si Hold kay Cisco at hindi na rin siya makagalaw.

"May nabili akong libro ngayon, gusto ko sana subukan ung 1 inch punch ni Bruce Lee pwede ko ba subukan?" tanong ni Touch kay Hold at Grip.

"Be my guest!" sabi ni Hold.

"Sige nagsawa na rin naman ako eh!" sabi ni Grip.

"Okay! Magandang pagkakataon to." sabi ni Touch

Inilagay ni Touch ang apat niyang daliri sa dibdib ni Cisco. Sabay suntok dito.

"Aaaahhhh!!!!!" sigaw ni Touch.

Tumalsik si Cisco at bumagsak sa sahig. Pero saktong pagbagsak niya ay umangat ang parte ng lupa na patulis patungo kay Pastor at nahiwa niya ito sa braso ng kaunti, pagkatapos nun ay nagawa nang makagalaw ni Pastor at nagsimula na siyang tumakbo at hinila ako.

"Lumayo na kayo dito!!" sigaw ni Cisco.

"Aba Earth manipulator ka pala! Magaling ka ah! Hinintay mo munang ilabas namin ang kakayahan namin bago mo inilabas ang sayo. Pero kahit ganun wala pa rin kayong ligtas. Hold yung batang lalake ang puntiryahin mo." sabi ni Touch.

"Sabi mo eh!" sabi ni Hold.

Sabay takbo ni Hold papunta samin at ako naman ang hinawakan. Di ako makagalaw at nakita ko sa likod ni Hold, ung malakeng lalake na si Grip may hawak-hawak na spear at ibinato niya ito patungo sakin. Nang malapit na ang spear biglang sinalag ito ni Pastor gamit ang katawan niya. Nahiwa ako ng konti kaya nagawa ko nang makagalaw.

"PASTOR!!!" sigaw ko.

"Kn..knowa!"

"Pastor Daniel!"

"Knowa...wag..kang..umiyak. Ayos..lang..ako.."

"Sumablay pa! Isa pa nga!" sabi ni Grip.

Gumawa ulit siya ng spear sa kamay niya gamit ang mga gamit sa paligid niya. Sabay binato niya ulit ito patungo sakin at tinamaan ako sa kanang dibdib.

"KNOWA!!!" sigaw ni Cisco.

Nakadapa na ko sa sahig at nakikita kong hawak na nila ang lamparang naglalaman ng Pyro Orb. Tumingin ako sa kinalalagyan ni Pastor, di na siya gumagalaw. Patay na siya. Sa pangalawang pagkakataon nakita kong mamatay sa harap ko ang mahal ko sa buhay. Wala man lang akong magawa, wala akong kalakas-lakas para protektahan sila. Bumibigat na ang mga mata ko unti-unti sumasara na ito hanggang sa sumara na ito.

Knowa: The Birth of the PyroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon