CHAPTER 23:
HEROES
"Hello everyone! My name is..."
Bati ng flight attendant na hindi na nasabi ang pangalan niya dahil sa kinuha na sa kanya yung mic ng isa sa hijackers at tinutukan siya ng baril.
Naglabasan na rin ang apat pa niyang mga kasamahan at lahat ito ay armado din ng sandata na baril. Nagsisisigaw ang mga tao sa nakita nila at nagpanic dahil sa nangyayari, ang mga magpapamilya ay nagyakapan na, yung iba ay nagsimula nang magdasal at yung iba naman ay nagbabalak lumaban pero nahalata ito ng mga hijackers bago pa sila may magawa.
"Do not leave your seats! Those who are not in their seats will be killed, do you understand?!" sabi ng isa sa hijackers na mukang leader nila dahil sa siya ang nag-uutos sa iba pa niyang kasamahan.
"I can't hear your answers! DO YOU UNDERSTAND?!!" ulit nito.
"YES!" sagot ng mga pasahero.
"Good! Now two of my subordinate will check all your luggage so I want you all to cooperate by behaving. Now go you two, check them all!" Paliwanag niya at utos sa mga kasama niya.
Maya-maya ay inatake ng isa sa kanila ang kapwa niyang hijackers na magche-check ng mga luggage.
"Hey what are you doing?! Are you out of your mind?!" sabi ng isa sa dalawang taga check ng luggage sa kapwa niyang hijacker na sinuntok ang kasamahan niyang magchecheck din dapat ng mga luggage.
Ilang segundo lang pagkasalita nito ay nakahalundusay na ito sa lupa at walang malay.
Habang nagaganap ang mga yun, ako naman ay ginawa na ang trabaho ko na atakihin ang isa sa kanila.
Una kong pinuntirya ang hawak nitong baril upang hindi niya eto magamit, at ngayon kamao sa kamao nalang ang laban namin.
Pumorma siya na parang boksingero, mukang nag-aral ito at maganda ang posture.
"You pick the wrong guy kid! I am once an amateur champion in boxing." wika nito.
Sumuntok siya ng straight sa muka ko pero umiwas ako pakanan kaya naiwasan ko ito; pero sinundan niya ito ng left hook habang nasa kalagitnaan palang ako ng pag-ilag ko sa straight niya.
Sapul ang kaliwang pisngi ko sa hook na yun kaya napaatras ako. Nahilo-hilo ako pero kinaya ng muka ko ang suntok, sumugod ulit ako at ganun nanaman ang ginawa niya. Sa pagkakataong ito ay nailagan ko na ang pareho niyang suntok.
That won't work anymore! I already see that! sabi ko sa isip ko habang nakailag ako sa left hook niya. Pero habang nasa kalagitnaan nanaman ako ng pag-ilag, biglang may dumampi bigla sa aking baba, kamao pala niya yun, ginamitan niya ako ng right upper cut! 1, 2, 3 combination nga pala yun di ko man lang naalala.
Matapos nun ay nadilim na ang paningin ko at wala na akong maalala pa.
***********************************************
Dumilat ako at nagtataka sa sarili. Nakadilat na ba ako? Bakit napaka dilim? Nasaan ba ko? Isang kwarto ba to? tanong ko sa isip ko.
"Cisco? Doc Shiena?" tawag ko habang patayo ako sa aking pagkakahiga, sa pagbabakasakaling nasa paligid sila at naririnig ako.
*WHISTLE!!!
Aaaaarrrrgggg!!! Ayan nanaman siya!! sabi ko sa isip ko habang nasasaktan ang tenga ko sa ingay.
Matapos ng ingay ay nagsimula nang umulan ng balahibo ng ibon na nagliliwanag tulad ng aking inaakala. Kasabay nito ang isang apoy na biglang lumabasa sa harapan ko at unti unti nag anyong ibon.
BINABASA MO ANG
Knowa: The Birth of the Pyro
FantasyThe Birth of the Pyro is part of the whole Knowa's story. It is the first part where the teenage life of Knowa also known as Ken the Pyro will change and face the hidden reality about people who has a supernatural abilities known as orb bearers.