Triple Hand Art

181 5 0
                                    

CHAPTER 15:

TRIPLE HAND ART

*ABANDONED FACTORY

"Testing 1, 2... Knowa naririnig mo ko?" subok ni Cisco sa communication device mula sa isang disguised vehicle.

"Oo naririnig kita." sagot ko.

"Okay good! Agent Slykill do you copy? Over!" check naman ni Cisco kay Doc Shiena.

"Yes! Over!" sagot ni Doc Shiena mula sa isang roof top ng isang building malapit sa factory.

"Okay! We're good to go! We stick to the plan. Knowa pupunta ka sa pwesto kung nasan hawak si Ralph at pagtapos nun si Agent Slykill na ang bahala sa lahat. Gagamitin niya ang kakayahan niya para kontrolin ang utak mga kalaban, pagkatpos nun maliligtas natin si Ralph at mahuhuli pa natin ang Stronghold Trio. Matapos nun...Mission Complete!" review ni Cisco sa plano.

"Roger that!!!" sagot namin ni Doc Shiena.

Patuloy ako sa paglalakad at hinahanap ang lugar kung san ko huling nakalaban sila Ralph. Umakyat ulit ako sa taas, marami pa ring agiw ang lugar kahit may mga nagpupunta dun(Ralph's group). Maya-maya pa ay nakarating na ko sa gitna ng factory kung saan naming iniwang walang malay ang grupo nila Ralph.

"Cisco parang may mali! Walang kahit sino ang nandirito!" tawag ko kay Ralph.

"Diyan ka nagkakamali! Hahaha!" sabi ng isang lalakeng nakatago.

Bigla itong nagpakita at nagulat ako na si Ralph ang nakita ko.

"Di ko akalaing mahuhulog ka sa napaka walang kwentang patibong hahaha! Kung ako nasa lalagay mo hahayaan nalang kita hahaha! Nakakatawa ililigtas mo yung kaaway mo! May pagkabaliw ka rin!" sabi ni Ralph.

"Anong ibig sabihin nito? Kasabwat ka nila?... Kailan ka pa nagkaroon ng koneksyon sa kanila?" tanong ko.

"Kailan lang naman pag gising ko sila kaagad ang nakita ko. Gusto daw nila ako at nagustuhan ko rin naman sila, mas malakas kasi sila sa tropa ko. Pag sila kasama ko wala nang makakatalo sakin, lahat pwede kong gawin." paliwanag ni Ralph.

"Hindi mo sila kilala! Sila ang pumatay sa lalakeng tinuturin kong Ama! Ganyan ka na ba talaga kasama Ralph?!!" sigaw ko.

"Siya nga pala! DI na ako si Ralph! Hindi na ako ang mahinang si Ralph. Pinanganak na akong, tawagin mo nalang akong Knuckle the Fist. Lahat ng tamaan ng kamao ko ay guguho kahit pagsamahin mo pa si Pacquio at Mohammad Ali wala silang ilalaban sakin." sabi ni Ralph.

"Anong ginawa mo?" tanong ko.

"Wala naman...gumawa lang ng mga bagong kaibigan." sagot ni Ralph.

"Hoy teka! Wala kang karapatan na gamitin ang pangalang Knuckle dahil pangalan ko yun!" sagot ni Cisco sa kabilang linya.

"Tingnan mo nga naman nakikinig ka pala Apat mata? Ay mali...Agent Knuckle Head pala!" sabi ni Ralph.

"Knowa! Mukang patibong yan kailangan mo nang umalis diyan!" sabi ni Cisco.

"Aalis ka na kaagad?" tanong ni Ralph.

Sabay talikod ko at nalaman na hindi lang pala kami ni Ralph ang nasa lugar na yun.

"Siya nga pala dalawa sila sa mga bago kong kabigan. Si Palm the Blast at Finger the Strike. At mahilig pala sila makipaglaro. Kami nga pala ang Triple Hand Art!" pakilala ni Ralph.

"Agent Slykill oras na! tawag ko.

"Agent Knuckle Head tulungan mo si Knowa may biglaan pangyayari, merong nakaalam ng lokasyon ko at inaatake mula sa malayo, di ko malaman kung nasan siya kaya nahihirapan akong makawala. Iba't-bang patalim ang humahabol sakin at dumadami pa." Sagot ni Doc Shiena.

Knowa: The Birth of the PyroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon