Stronghold Trio

350 6 2
                                    

CHAPTER 5:

STRONGHOLD TRIO

Nagpunta kami sa office ng Papa ni Cisco at dun niya kami kinausap.

"Papa! Ano nga po ang orb na to? Bakit kakaiba po siya?" tanong ni Cisco.

"Bago ko sagutin yan. Ipaliwanag niyo kung pano napunta sa inyo yan?" tanong ng Papa ni Cisco.

Ipinaliwanag namin ni Cisco ang lahat mula sa tatay at nanay ko hanggang sa napapanaginipan ko.

"Di nakapagtatakang pinatay sila pareho ng isang grupo ng mga lalake. Ang di lang natin sigurado ay kung parehong grupo ang pumatay sa kanila." sabi ng Papa ni Cisco.

"Bakit po di nakapagtataka?" tanong ko.

"Dahil nasa inyo to. Ito ang matagal nang nawawalang Positive Energy Orb na mas tinatawag nilang Pyro Orb." paliwanag ng Papa ni Cisco.

"Pero Pa! Ano po ba ang tungkol dito?" tanong ni Cisco

"Isang ispesyal na orb to na nasa pamamalaga dati ni Chrono." sagot ng Papa niya.

"SI CHRONO?!! ANG WINTERHEART?" gulat ni Cisco.

"Sino po ung tinutukoy niyong Chrono?" tanong ko.

"Si Chrono ang Legendary Orb Bearer. Maraming nagsasabing siya ang pinaka malakas sa lahat ng Orb Bearers na nabubuhay. At siya din ang pinuno nila Papa dati." kwento ni Cisco.

"At si Chrono ang nagtataglay ng Negative Energy Orb na mas kilalang, Chyro Orb." pagdugtong ng Papa ni Cisco.

"Kung ganun Pa! Napakalakas ng orb na ito?" tanong ni Cisco.

"Ganun na nga! Kaya maraming naghahangad nito. Marami ang papatay mapunta lang sa kanila to." sagot ng Papa niya.

"Kung ganun Knowa. Nasa panganib ang buhay mo." sabi ni Cisco.

"Hinihiling ko na dito ka na samin manirahan Knowa. Mas mapoproteksyonan ka pag nandito ka." sabi ng Papa ni Cisco.

"Kung ganun po kalakas ito at maraming papatay makuha lang to. Ang ibig po sabihin hindi po ako ligtas kahit saan? Kahit po dito." sabi ko habang nakatingin sa mata ng Papa ni Cisco.

"Naiintindihan ko. Tama lang na magduda ka pagkatapos ng mga nalaman mo. Pero kung isa kami sa kanila, kanina palang wala ka nang malay at di mo na nalaman ang tungkol dito." paliwanag niya sakin.

"Pasensya na po! Sige po papayag ako pero kailangan ko pong magpaalam kay Pastor Daniel, foster father ko po. At sigurado po na kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat." paliwanag ko.

"Naiintindihan ko. Kami na ang bahala." sabi ng Papa ni Cisco.

"Di po mas gusto ko pong ako ang umasikaso nito." sagot ko.

"Sige pero kailangan kasama mo si Cisco." sabi niya.

"Sige po!" reply ko.

"Agent Knuckle Head I am giving you a mission to protect Mr. Knowa De Leon. Bring him back here alive! Do whatever it takes to do that!" sabi ng Papa ni Cisco na nakatayo at may aura na superiority.

"Yes sir!!!" sigaw ni Cisco na nakatayo ng tuwid at nakasaludo sa Papa niya.

"At Knowa!" tawag sakin ng Papa ni Cisco.

"Yes po?" tanong ko.

"Dalin niyo ang Pyro Orb." sagot niya.

"Pero Pa! Mas delikado pag dinala namin un di ba?" opinyon ni Cisco.

"It is a commandment! And I have my own reason. Just do what I say. Are we clear?" reply ng Papa niya.

"Yes sir!" sagot ni Cisco.

Knowa: The Birth of the PyroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon