Past|Present|Future Part 2

456 6 2
                                    

CHAPTER 2:

PAST|PRESENT|FUTURE Part 2

(1 month after...)

Ngayong araw ang simula ng pasok, nasa senior high na ko parang kailan lang ngayon huling taon ko na sa highschool.

"Knowa papasok ka na ba?" tanong ni Pastor Daniel.

"Opo pastor! Hinahanda ko lang po gamit ko." sagot ko.

"Okay! Sana naman ngayong taon magkaroon ka na ng mga kaibigan ah! Magsawa ka naman sa muka ko at makisalamuha ka na sa iba ha?" makulit na pakiusap ni Pastor.

"Titingnan ko po kung may papansin sakin at di mambubuli. Sige po mauuna na ko." sagot ko.

"Kahit subukan mo lang ha? Mag-iingat ka." pakiusap ni Pastor.

*Riiiiinnnggg!!!!

"Okay class please take your seat and please pakipulot ang mga papel na ikinalat niyo." bati ng unang teacher namin na si Ms. De Vera science teacher namin.

"Hoy! Pulutin mo nga yan!" maangas na utos sakin ni Ralph, isa sa mga siga ng school.

Tiningnan ko siya ng masama at matagal.

"Ba't ganyan ka tumingin? Kakasa ka?" hamon niya.

Di nalang ako nagsalita at umiwas na ng tingin sabay pulot sa mga papel na nakakalat sa harapan ko. Habang pinupulot nagsasalita ako sa isip ko. (Wag kang magkakalat kung ipapalinis mo lang sa iba.)

"Alright! I am Ronalyn De Vera your science teacher and I will be your advicer. Here on the black board are the things you need for this subject kindly write it down."

Karamihan samin ay nagsimula nang magsulat upang ilista ang mga kakailanganing bilin para sa subject na to. Habang ang iba nang gugulo lang kasama na ang grupo ni Ralph.

"Are you done class?"

"Yes ma'am!"

"Okay since it's our first day we're going to..."

"Introduce ourselves!" tuloy ng mga kaklase ko.

"Good! Alam niyo na pala eh. Lahat magsasabi ng hobbies and balak na kunin sa college. Okay simula sa harap to my right side."

Isa-isa nagpakilala ang lahat tungkol sa sarili nila at kukunin sa college. Unti-unti napapalapit na sakin, parang gusto ko na lumabas ayoko talaga ang bagay na to sa unang pasukan, ang gusto ko lang ay walang gagawin.

"Alright next!"

"Hi everyone!!!"

(Ang hyper naman nun! Sino ba un?) tanong ko sa isip ko.

"My name is Ailee Soriano, 16 years old! Transferre. I love singing, drawing and making new friends. And ang kukunin ko sa college ay tourism. That's all thank you!!!"

(Hay natapos din... ang high pitch naman niya magsalita.) sabi ko sa isip ko.

"Okay next!"

Pagtayo ng isang babae nagsipag tahimik ang mga lalake at lahat ay nakatitig sa kanya.

"Ang ganda niya" sabi ng isa sa kaklase ko.

"Hello classmate I'm a transferre din. My name is Angel Heart Sarmiento, 17 years old. My hobbies are writing stories and watching movies, the course I would like to take in college is Mass Communication, major in journalism. Ayon lang salamat!"

Nang matapos ang babae hanggang sa pag upo niya ay tinitingnan na siya ng mga kaklase ko.

"Oh asan na ung susunod? Ung next na!" Pagputol ni Ma'am sa katahimikan.

Knowa: The Birth of the PyroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon