CHAPTER 13:
ABDUCTIONS Part 1
Nagmamadali akong gumawa ng paraan para makalabas ng campus, di ko na magawa pang hintayin si Cisco. Buti nalang alam ko ung daanan ng mga istudyanteng tumatakas sa klase at lumalabas ng campus.
Humarurot na ko ng takbo papunta sa abandonadong factory, medyo malayo din to napagod na ko bago pa ko makarating sa factory.
"Mukang una kong kailangan sanayin ay ung stamina ko." sabi ko sa sarili ko.
Pagkatapos ko tumakbo pa ng kasing haba ng tinakbo ko nung una, nakarating din ako sa abandunadong factory kung san dinala si Angel.
"ANGEL! ANGEL ASAN KA?" sigaw ko.
Walang sumagot sa sigaw ko kaya nagdesisyon akong halughugin ang buong factory. Puro agiw at basag na pundasyon ang factory, pero malayang nakakapasok ang liwanag dahil may mga sira na rin ang pader at dingding.
"ANGEL! KUNG NARIRINIG MO KO GUMAWA KA NANG INGAY!" sigaw ko ulit pero wala pa rin akong nakuhang sagot sa kanya.
Nakapunta ako sa pinaka gitna ng factory at dun, nakita ko si Angel na marumi nakahiga sa lupa at walang malay.
"Angel!" sabi ko nang nakita ko siya.
Madali akong lumapit sa kanya at tiningnan kung may pulso pa siya.
"Angel! Gumising ka! Angel gumising ka!" pag gising ko sa kanya.
"K-Knowa!" sagot ni Angel.
"Angel-" naputol ng isang boses ang sasabihin ko.
"Wow! Sino ka Knight in a shinning armor niya? Hahaha!" asar Ralph.
"ANONG GINAWA MO KAY ANGEL?!!" galit na sigaw ko.
"Wala naman pinatulog ko lang sa pamamagitan ng suntok hahaha!" pagyayabang niya.
"Ano bang kelangan mo? Kung paghihiganti ang habol mo ako nalang ang paghigantihan mo!!!" sagot ko.
"Wala akong pake sa katulad mong lampa. Siya ang may atraso sakin kaya siya ang pinaghihigantihan ko!!!" sigaw niya.
"Ano bang ginawa niya sayo? Di ba ikaw ang nagpasimula nito? Kaya walang ibang dapat sisihin kundi ikaw!!!" sagot ko.
"Alam mo ba wala akong ginusto na di ko nakukuha. Pero dahil sa babaeng yan bigla akong nagkandamalas-malas!!!" sagot niya.
"Wala siyang kinalaman kung sakim ka sa lahat ng bagay!!!" sigaw ko sa kanya.
"TARANTADO KA AH! Sino ka ba sa tingin mo?!! Hawakan niyo siya!!" utos ni Ralph sa mga kasama niya.
Matapos nun ay nilapitan nila ako pero di ko sila hinayaang hawakan ang balat ko kaya lumaban ako. Tatlo silang sabay-sabay kong kinakalaban, nagulat ako sa sarili ko dahil nagagawa kong makita ang bawat galaw nila at makailag, pero dahil sa dami nila may mga iba silang atake na di ko nagawang ilagan.
"Ano bang pinag gagagawa niyo? Tatlo kayo mag-isa lang siya di niyo pa matalo?" sermon ni Ralph.
Matapos nun ay sumama na si Ralph sa pag-atake sakin at mas nahirapan na kong makaatake at umilag hanggang sa nakuyog na nila ako.
"Hoy! Ganyan ba talaga kayo kahina? Kelangan pa kayong apat ang lumaban para matalo lang ang iisang kalaban? Tsk! Tsk! Nakakaawa kayo!" pang-aasar ni Cisco.
"Cisco! Ang tagal mo naman?" tanong ko.
"Pasensya na ang kulit kasi ni Ailee gusto sumama kaya tinakasan ko pa siya." sagot niya.
"Kayong dalawa na ang bahala sa maingay na mokong na yan!" utos ni Ralph.
At ang dalawa sa kanila ay sinugod si Cisco pero pinaglalaruan lang sila ni Cisco. Ako naman ay nagawang makabalik sa pag-atake at pag dipensa.
BINABASA MO ANG
Knowa: The Birth of the Pyro
FantasyThe Birth of the Pyro is part of the whole Knowa's story. It is the first part where the teenage life of Knowa also known as Ken the Pyro will change and face the hidden reality about people who has a supernatural abilities known as orb bearers.