Hi Jagiya!~ Janelle Viancca Ofalsa
___________________________________________________________________________Haerbin Leen Maour's POV
ang UNFAIR! Ako Lang ang may pasok ngayon si Kuya wala! Kainis Wala tuloy mag hahatid saakin sa school. Si Francis kasi hapon pa ang pasok niya "Kuya! Hatid mo na kasi ako ! Kuya naman Eh!" Walang hinto kong kinatok ang pintuan niya. kahit magalit siya saakin bastat mahatid niya lang ako sa school OKS na OKS sakin 'yon.
"Mag taxi kanalang Haer puyat ako" sigaw ni Kuya mula sa kaniyang kwarto, nag dabog ako lalo "Kuya naman Eh! Natatakot ako mag taxi kidnapin pa ako!"
"Walang mag babalak na gawin 'yon sayo kaya umalis kana at ma le-late kapa!"
sumimangot ako sa sinabi niya parang ipinahihiwatig niyang ang panget ko?! AHMP! bahala ka na niya diyan pag may nangyari saakin na masama kasalanan mo ito KUYA!
lumabas na ako ng Bahay na naka busangot parin, umagang umaga sirang-sira araw ko! saan naman kasi ako mag hahanap ng taxi ang aga pang masyado. Ayaw ko namang mag jeep ang sikip, simula kasi ng ma snatched yung classmate ko sa jeep na takot na ako, mag lalakad muna nga ako exercise na'rin to heheheheh!
mataimtim akong nag lalakad parin ng may lalaking naka motor na huminto sa gilid ko , hindi na ako mag tataka kung sino siya isa din kasi 'tong panira sa beauty ko! "Tara Haer sabay kana saakin" hinubad niya ang kaniyang helmet sabay ngiti ng kay Tamis pa sa asukal na brown. "mauna kana sinisira mo lang lalo ang araw ko" inirapan ko siya at pinag patuloy ko ang aking pag pru-prusiyon (I mean pag lalakad)
"May balita akong nasagap kagabi na may van na color white ang kumukuha ng dalaga ngayon at ni re-rape wala ngang awa pinapatay narin nila" huminto ako sa pag lalakad.
paano kung mayroon nga dito?! Uso pa naman ngayon yon. Argh tinatakot niya Lang ako kung meron nga dapat may color white na van ang dadaan saakin gilid. Pagka sabi na pagka sabi ko sa utak ko na'yon May dumaan ngang van sa gilid ko at kulay white payon! tumakbo ako papunta kay Timang "OO NA SASABAY NA AKO BWISIT KA TALAGA!" pinalo ko ang braso niya.
nginisian niya ako, kainis ayaw ko sa lahat tinatakot ako! "Wear this helmet for your safety" iniabot niya saakin ang extra helmet niya "for my safety ?! Eh sayo nga agaw buhay na ako" isinuot ko ang helmet na ibinigay nya, sasakay na sana ako kaso paano? naka corporate attire ako ngayon kaya nga nag papahatid ako kay Kuya.
"Naka black stockings ka naman lagay mo nalang 'tong jacket ko around your waist" itinabi niya ang jacket sa waist ko , naalala ko tuloy ang nangyari sa mall na first time niya akong kausapin, tapos nakaka hiya pa dahil tinagusan pa ako. Nice Diba? tsss!
"Tara na Haer" doon ko palang namalayan ang Tagal ko siyang tinititigan, damn it! I'm spacing out again. This is pester me all over again! "Okay then, wag kang mag pa cute kung ayaw mong ma hospital ulit Mr.Bonque" sumakay na ako sa motor niya, first I'm not comfortable sa position namin inilalayo kong ma dikit ang boobs ko sa likod niya nandiri kaya ako!
second I don't want to hug him ano siya sinuswerte ?! No way! "Haer wag kang masyadong malikot matutumba tayo" reklamo niya. hindi naman kasi ako malikot inaayos ko'lang ang pagka upo ko ang sabihin niya hindi lang siya marunong mag drive ! hinigpitan ko ang pagka hawak sa braso niya. "Haer aray!" ano ba!? Ang dami niyang arte.
bahala siya malapit narin din kami sa school, inihinto ni Kail ang motor niya sa parking lot ng school ang sama nga ng tingin ng guard saakin "chicks mo timang mukhang pinapatay na ako sa isip niya" nguso ko ang ginamit ko para i turo ang guard na ang talim ng tingin saakin "Hayaan mo lang" maikling sagot saakin ni Kail lumingon ako sakaniya na salubong ang kilay.

BINABASA MO ANG
Silent Pleasure [Exo's Kai]
Fanfiction"Love cannot dwell with suspicions,This is not LUST , this is L.O.V.E you're a beautiful as a rose, which I'm willing to get hurt despite of it's thorns"