Kevin Kail Bonque's POV
lagot ako nito kay Haer late na ako umuwi, ang tagal kasing matapos ng dance practice namin 2 days nalang kasi bago ang laban. "sige guys mauna na ako" sinuot ko na ang helmet ko at sumakay na sa motor. "nag mamadali na 'to bukas nalang kayo gumawa ng fiancé mo Kevin" sigaw saakin ni Dean. "utak mo talaga Dean berde baka pati dugo mo ganun nadin hahaha!" nag tawanan sila, I shook my head. Kahit kailan talaga utak ng mga 'to sobrang open minded.
bumusina ako sakanila at umalis na, kumain na kaya si Haer? Ano kaya ginawa niya buong araw? umalis kaya siya? mas maganda mag madali nalang ako umuwi. pero bago 'yon bili ko muna siya ng donut.
[At Their House]
Dahan dahan kong binuksan ang pinto, ang tahimik ng bahay tulog na siguro siya. I locked the door. Didiresto na sana ako sa kwarto ko ng may naaninag akong naka upo sa may living room, Si Haer 'yon ah? "Bakit dito siya natutulog" I said with a low voice. ang cute niya makitang natutulog tulo pa ang laway. Don't worry I love her all imperfection.
lumapit ako sakaniya "Haer?" nag aalinlangan pa akong gisingin siya baka isipin niya may gagawin nanaman akong masama. o kaya sapakin niya ako, lalong madadagdagan ang black eye ko "Haer" kailangan ko siyang gisingin may honey pa ang mukha niya, baka pag gising nito may bahay na ng bubuyog sa mukha niya.
"Haer? gising kailangan mo pa mag hilamos" Inalog ko ng bahagya ang katawan niya. ilan beses ko na siyang ginising kaso tulog parin , Kahit kailan talaga tulog mantika ka Haer.
tumayo ako at kumuha ng bimpo na malinis, binasa ko ito ng tubig. sana wag niya ako patayin sa gagawin ko, naka ilan akong Our Father bago ako lumapit sakaniya. unti-unti kong ipinahid ang basang bimpo sa mukha niya "tulog kaparin kahit anong gawin ko, Haer sana bumalik na tayo sa dati miss na miss na kita" gumalaw si Haer paharap sa akin.
buti nalang wala ng honey sa left side niya, ng makuha ko ng nalinis ang mukha niya aalis na sana ako nang bigla niya akong niyakap. "wag kang aalis, ito nanaman gagawin mo saakin" medyo kumirot ang puso ko. Naalala ko nanaman ng mga bata kami 12 years old ako at 10 si Haer siya ang naging BestFriend ko at First love.
kahit immature pa kami non, ibang-iba na ang pag iisip ni Haer lalo na kung pag sasabihan niya akong lumaban kung meron umaaway saakin, wala akong ibang kaibigan sa school ko himala nga dahil siya ang nakipag kaibigan saakin, simula non lumaki ang friendship namin dumating si Marwin ang kuya niya, Janelle at Francis. sa haba ng pag sasamahan namin naka buo kami ng Promises
na gusto niya ng bahay kasama ako, mag kakaroon ng tatlong aso na pangalan Monggu, Janggu at Jangga. Kahit sa murang edad inamin niya saakin ako daw ang gusto niyang maging asawa nakakatawa nga ang itsura niya non dahil sobrang pula niya. Ngunit lahat ng 'yon nasira ng nag decide si Mama at Papa ng lumipat ng bahay, dahil sa business nila.
nag balak ako tumakas ng araw na 'yon ngunit matalas ang pandinig at mata ng mga magulang ko nahuli nila ako , wala akong magawa non kung hindi sunduin ang gusto nila nasakal kaming dalawa ni Kuya, kaya hindi ko na masisi si kuya kung bakit siya ganito ngayon.
sinabi ko kay Haer na hindi na ako mag tatagal sa village, sobrang Iyak niya non. Wala akong magawa kung hindi yakapin siya, ibinigay niya saakin ang diary niya kung sakaling makalimutan ko 'raw siya agad kong maalala dahil sa diary, nando'n di kasi ang promise na sa isa't isa dapat na gawin namin 'yon.
BINABASA MO ANG
Silent Pleasure [Exo's Kai]
Fanfiction"Love cannot dwell with suspicions,This is not LUST , this is L.O.V.E you're a beautiful as a rose, which I'm willing to get hurt despite of it's thorns"