Silent Pleasure [Part 36]

9 0 0
                                    

Haerbin Leen Mour's POV

tapos na akong mag ayos pati Janelle kaya nag paalam na siya saakin para lumabas na papuntang club house. "Ngayon lang wala si Kuya sa birthday ko pati si Francis" nakatingin ako ngayon sa salamin. Ang unfair kasi nila tapos si Timang inuna pa ang practice kaysa saakin which is good arghh! haay ewan ewan hindi ko na sila kilala if ever na meet ko sila in random place tsss.

"Ms.Haerbin Leen labas na po"

sumunod ako sa event coordinator backstage kami nag lakad ng pagka yapak ko sa stage tumutok agad saakin ang Spot light syempre todo pose naman ang lola niyo, dapat maganda kahit nilalamon ako ng kahihiyan. Dapat mala Victoria Secret model ako "Lets begin the party"

nag dim ang light, nakita ko lahat ng cousin ko sa harapan they perform dahil dancer sila sayaw ang ginawa nila. Daig ko pa ang nag dedebut dito, last na nag perform si Janelle kinanta niya ang favorite song namin na Supermarket Flower by Ed Sheeran naiyak ako sa performance niya ang swerte ko kasi may kaibigan ako katulad niya.

matapos ang lahat lahat pinakain nanamin lahat ng bisita, nandito si Chad na naka costume ng joker ang pogi niya mga bes, Jehmalyn Harley Quin , Dianne Wonder Woman sila lang ang nandito wala ang mga inaasahan ko hayaan nanga.

"HAPPY BIRTHDAY HAER!" sabay sabay nilang sinabi. tumayo lahat sila at niyakap ako huling yumakap saakin si Chad ayaw ko sanang bitawan kaso syempre mahahalata ako at meron na siyang nililigawan kaya hands off na

"Ang ganda mo ngayon Haer" Dianne said. umupo ako sa tabi niya "ayy ngayon lang?" Ngumuso ako. "Lalo kang gumanda okay na ba yon?" tumango ako. lahat ng bisita pinuntahan ko I greet them and they greeted me back. nandito din ang mga tourism classmate ko sila nga ang pinaka magulo at maingay sabayan mo pa ang pagka bibo ni Janelle.

busy ako ngayon nag iintertain sakanila ng may humawak sa braso ko I turned around, nagulat ako dahil ganito ang mukha ng sasambulat saakin "Sorry haer happy birthday" binigay niya saakin ang medium box na kulay baby pink yeah he knows my fave color and I'm suprise.

"Still Stunning" may hiyang pagka sabi niya saakin. kikiligin ba ako? ahuhu wag Haer. tinignan ko siya actually bagay sakaniya ang make up niya siya kasi ngayon yung bata sa Sadako hindi ko kasi alam ang pangalan niya bastat siya ata yung pinakain nang pusa ng tatay niya sa bibig sa pag kakaalam ko ahh. "Charles kumain kana pala?" niyaya ko siyang kumain kasama niya ang barkada niya which is sila ang naka witness ng break up namin dati.

still kahit matagal nayon nahihiya parin ako "ang ganda parin ni Haer walang kupas" Tayron said, umakbay siya kay RJ na iinom sana ng wine kaso huminto para alisin ang naka akbay na kamay ni Tayron. akalain niyo yon nandito ang famous na mag kapatid sa Birthday ko buti nalang maganda ako ngayon Chos!

"Ms.Haerbin balik na po kayo sa stage" bago ako sumama sa event coordinator lumingon ako ulit sakanila "osge guys eat well enjoy the party"

pinaupo nanaman nila ako sa upuan ko kanina na, lahat ng spotlight tutok na tutok saakin parang kinukuha na ako ng langit. Dumilim ang paligid may isang spotlight lang na naka sindi, may lumabas na isang lalaki na naka coat at naka sunglasses, mamaya bigla na silang dumami hindi ko sila masyadong makita

may music na nag play, isa isa silang sumayaw ang galing nga kasi sabay sabay sila. gusto ko nga sumali sa sayaw kaso mag mumukha akong loka loka na frog nabuksan ang ibang ilaw nakakagulat as in nakakagulat ng makita ko ang mga mukha nila mga member ni Kail to at ito pa mga bes!! SI CLYDE AT FRANCIS SUMASAYAW AT ITO PA LAST!! SI KUYA SUMASAYAW WHAT THE HOLLY MOLLY. sino ang dakilang tao ang nag pasayaw sa kuya kong Robotism.

Silent Pleasure [Exo's Kai]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon