Silent Pleasure (Part 19)

31 0 0
                                    

Gorgeous Haerbin Leen Maour photo was on the top.
___________________________________________________________________________

Haerbin Leen Maour's POV

ayaw gumalaw ng katawan ko nung pinalo si Kail sa bote, akala ko yun na ang last na makikita ko siya, dahil sa lakas ng pag palo sakaniya. nanghina rin ang katawan ko dahil nakita kong pumapatak sa damit niya ang dugo mula sa ulo ni Kail. Isa kasi yon sa mga kahinaan ko. "Kail please punta na tayong hospital , grabe na yang pag-patak ng dugo mo" hinawakan ko ang braso niya upang huminto muna siya sa pag lalakad. Buhat buhat niya kasi Si Francis naka tulog sa lasing. "okay lang ako haer. Asan ba ang kotse niyo?" nainis ako sa inasta niya kaya palo sa braso ang Inabot niya.

"Timang ka talaga noh?! Uunahin mo pa ang ibang tao kaysa sa sarili mo! Gusto mo bang mamatay?! Halika kana marunong naman mag drive si Janelle" lumingon ako kay janelle "jagiya iiwanan ko muna kayo Ahhh? Mag ingat kayo kailangan ko Lang talagang dalhin Si Kail sa hospital, sorry"

"Okay Lang sige kakausapin ko nalang yung....k-k-Kuya mo"

inihiga ni Kail si Francis sa backseat ng kotse , tumawag na ako ng taxi para madala ko siya agad. Una ayaw niya dahil ayaw niya din sa doctor at nurse. Hindi ko naman alam kung paano ang pag linis ng sugat lalo't na sa ulo. Mas maganda ng sa specialist para malaman kung may kailangan tahiin.

Sumakay na kami sa taxi , I review his face . Mukhang nahihilo na siya but when he looked at me. ngiti lang siya ng ngiti "lumapit kanga dito!" Binigyan niya ako ng curios looked. "Galit ka muna?"

"Oo galit ako sayoooo!" kinuha ko ang paniyo ko sa bag at pinunasan ko ang dugo sa mukha niya "mukha kang zombie" Bulong ko.

"Oh bakit ka muna galit saakin?" with matching turo sa sarili niya.

"e? kanino ako magagalit sa TAXI DRIVER suss timang talaga 'to"

"Eh!bakit naman ako nadamay?" Gulat na tanong ng driver. Inihinto niya kami sa harap ng hospital . nag talo pa kami sa pag babayad ngunit ako parin ang nanalo. Nag madali na kaming pumunta sa emergency room dahil iba na ang lagay niya "nurse please kailangan na niyang doctor" tumango ang nurse at tinawag ang doctor na kakapasok lang sa emergency room.
hindi ako umalis sa tabi ni Kail para pampalakas daw ng loob niya at dahil alam kong takot siya dito.

"May nasugat sa bandang forehead mo , kailangan nating tahiin yan but bago yan , x-Ray muna natin. Napalakas ang pagkapalo sayo Hijo" Wala sa sarili si Kial hindi siya nakikinig , siguro kinakabahan to dahil sa words na "tatahiin"

pinag hintay muna nila ako sa labas , kaya umupo muna ako. I massaged my forehead na I-stress na kasi ako palagi nalang napapahamak si Kail dahil saakin una noong nasa field ako ng school yung bola na dapat tatama sa mukha ko, pangalawa yung dapat may gagawing masama saakin si Cyrell pero dumating si Kail para pigilan si Cyrell, pangatlo dapat my ulcer nako but sa pag dadala niya ng food saakin araw-araw hindi ako nalilipasan ng gutom busy kasi masyado schedule ko, pangapat nagalit ang BestFriend niya dahil SAAKIN! At panglima ito ngayon nasa hospital siya dahil SAAKIN!

arghhhhhhhh! gugulohin ko sana ang buhok ko kaso lumabas na ang nurse , pinapasok niya ako sa loob nakita ko agad si Kai mahimbing na tutulog. lumapit saakin si DR

"nakita ko sa X-ray na okay naman ulo niya wala naman basag, thanks God at manipis lang ang bote na napalo sakaniya, as you can see tulog siya ngayon dahil pinatulog namin siya ayaw niya talaga kasing patahi kaya ayun pampatulog ang nakuha, hindi pala niya maiiwasan ang pagsakit ng ulo at pag kirot ng sugat niya so bibigyan kita mamaya ng reseta that's all."

Silent Pleasure [Exo's Kai]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon