Chapter 1

42 1 2
                                    

"Crush? Crush mo ko?"

"uhmm.. o..oo? ay hindi ata?"

"yung totoo? may gusto ka ba sa kin?"

"uhm... Chris.. kasi ndi kita Crush eh.."

"ahh.. yun naman pala eh.. akala ko totoo na.. haha.."

"MAHAL kasi kita Chris. Mahal na kita >.<"

"aa-ano? Meia..si-sigurado ka ba sa sinasabi mo? baka naman may lagnat ka lang?"

"Chris. totoo yun. isang tanong isang sagot. Mahal mo din ba ko?"

"so-- sorry Meia. pero may iba akong gusto. Liligawan ko na nga sya eh. Sorry talaga. Hi-hindi ko alam na aabot sa ganito Meia. Kaibigan kita. ayokong nasasaktan ka"

"hahaha. naniwala ka naman agad sa kin. Nako Chris. UTO UTO ka din. sinusubukan lang kita noh.. haha.. sige una na ko ha.. Nevermind yung kanina.. hahaha.. sana maging masaya kayo nung nililigawan mo :) "

"Meia. Friends tayo ha.. FRIENDSS"

FRIENDSS

FRIENDSS.

FRIENDS

T^T

"MIss Olevario. Please answer number 3"

"FRIENDSS!"

"Miss Olevario. We are having our Math Class. Ngayon mukhang English ang klase mo. You seems to be absent minded. Are you sick or something?"

"No maam. I'm sorry"

napaupo na lang ako ulit. napabigla kaya ako ng tayo at sagot kanina. Grabe. nakakahiya. Buti na lang di bully mga kaklase ko. Pero nakakahiya talaga eh.

Matapos nun. Buong klase na kong tulala. at wala sa tamang isip. Buti na lang di na ko masyadong pinansin ni Maam Rodriguez.

*RING RING*

ayun. Time na. uwian na. 

"Hoy bestie. Anong nangyari sayo kanina? Biruin mo yun? top one ka ng klase tapos bigla kang tulaley diyan. Alam mo, kung normal kang estudyante, pinagtawanan ka na. PERO FRIEND grabe. ginulat mo buong klase natin."

"AYAN NA NAMAN!!!"

yun na lang nasabi ko with matching takip ng tenga.

"Hoy FRIEND!. anong ayan na naman? nasasapian ka ba?"

sabay kapa pa niya sa noo ko.

"wala ka namang lagnat"

"wag ka ngang paulit ulit sa salitang FRIEND. baka masamain ka sakin Lea."

"hmm.. I can smell something Fishhyy...Dun tayo sa cafeteria. kwento ka"

at hinila na nya ang braso ko. eh Nanlalambot ako. No choice na.

-Cafeteria-

"OH. ano na FRIEND? kwento na haha."

"hay nako Lea, magtigil tigil ka nga. Ang sakit kaya"

napayuko na lang ako habang nasa hawak hawak ang isang bote ng softdrinks

"Hoy Meia, mukhang naglalasing yang itsura mo. Eh softdrinks lang naman yang hawak mo. Ano ba kasi yun? Kwento mo na."

"kasi naman eh. FRIENDS lang kami. Hanggang FRIENDS lang kami. Ang lakas pa ng loob kong magtapat."

inuntog untog ko pa ang ulo ko sa braso kong nakapatong sa mesa.

"WHAT!? nagtapat ka FRI- i mean Meia? AY NAKO! Shunga ka na ba talaga? Ka talinong tao. bobo din naman pala."

"oo na. oo na. bobo na. tama na. haha. naalala ko tuloy yung sagot ko kanina kay Maam Rodriguez. haha."

"tingnan mo to. Timang na. kanina halos humagulhol. Ngayon naman natawa. bestie. kaya mo yan"

at nagkunwari pa siyang hinihimas himas ang likod ko.

"Bestie. Uwi na tayo. Uwi na ko. nakakapagod na."

napabuntong hininga na lang ako. Mukha pa kong haggard ngayong araw. NAKO naman talaga.

"osiya. uwi na. May aasikasuhin pa ko."

sabay ayos niya sa mga gamit niya. habang ako. Ayun. namagnet ang ulo sa lamesa.

"sus. may aasikasuhin daw. EH lalaki lang yan eh noh? psh. Buti ka pa may lovelife."

at na pa pout na lang ako. Mukha na kong kawawa T^T

"Eh kasi bestie. Una sa lahat. Legal age na ko. Ikaw, bata pa din. Pangalawa, Maraming expectations sayo. Pangatlo.. hmm.. let's just say.. swertihan lang talaga yan bestie ;)"

"ah ewan sayo. aalis na nga ko. Tara na. may AASIKASUHIN ka pa di ba?

sabay na kaming lumabas ng cafeteria. Naghiwalay na lang kami ng parehas na kaming nasa may parking lot. 

"BYE bestie.Bye Mang Lito. ingat sa pag uwi"

nag wave na siya ng goodbye bago pumasok sa Honda Jazz niyang sasakyan. 

Samantalang ako. Ayun. May driver. Kasi bawal pa ko.

Sumakay na ko ng Toyota Innova ko.

"Mang Lito. IIdlip lang po muna ako. pakigising na lang pagdating natin sa bahay"

"sige po Mam Meia." 

hanggang sa dumilim na ang paligid

A Love Song, Without The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon