♪♫ If our love is tragedy,
why are you my remedy?
If our love's insanity,
why are you my clarity? ♪♫
"hoy ano yan? senti senti? haha"
napalingon ako sa likod ko sabay off ng player ng phone ko.
"OH? Bestie. Napadaan ka? Miss mo ko agad? haha. katatawag ko lang sayo kanina ahh"
tumayo na ko at sinalubong ng hug si bestie.
"Nag alala lang ako sa Bestie noh. Tsaka may dinaanan kasi akong malapit lang dito. Kaya ayun dumeretso na ko"
"Ganon? haha. Gabi na noh. 7pm na kaya. Kaw talaga. haha. Di ako matiis eh."
"Ikaw pa, Loves kaya kita bestie. oh ano? pag usapan natin yung kanina. face to face na. haha. I know you bestie. Ayoko naman na mahurt ka dahil sakin noh."
"Mam Meia, ready na po ang dinner. Kain na po kayo. Tamang tama pala at marami akong hinanda."
"sige po aling Marta. Sunod na kami. Pakihanap nadin po sina Louie. Di na bumalik eh. Baka sumabog na lang tayo ng dahil dun sa tatlong yun -__-"
"hahaha. Ikaw talaga Hija, sige. Papasunudin ko na lang sina sir Jeff. Ikaw, Maam Lea, kain na din po kayo ha. Pakisamahan na lang ang prinsesa namin "
"haha. kayo po talaga aling Marta. Syempre po kakain ako. Kayo pa. Oo naman po. May pag uusapan pa po kami nito ni Meia eh. Thanks po"
"Osige, mauna na ko sa inyo. At hahanapin ko pa yung tatlong itlog ha "
"Sige po. Oh tara na Lea, dun na lang tayo mag usap sa dining area. haha.. tamang tama. Gutom na din ako"
-dining area-
umupo na ko sa favorite spot ko, tapos sa katapat ko naman si Lea.
5 pinggan at baso ang nakahain. Pero wala pa yung tatlong pugo haha.
masarap pa man din ang nakahaing ulam ngayon.
Nagluto kasi si Aling Marta ng paborito kong Tinolang Manok na may sayote. Haha
eh kasi depress ako kaya nagpaluto ako ng paborito ko. Para mapadami kain ko T^T
"bestie, paabot nga nung kanin. Lumapit kasi sayo eh"
"haha.. Loka ka. Sadyang mas malapit lang sakin noh. Oh eto oh. Mukhang masaya ka ngayon kumpara kaninang kausap kita ahh"
"Salamat bestie. haha. nako. Eh kasi nga I'm moving on bestie. Atleast sayo mapupunta noh. Hindi sa iba. Baka nga iba talaga para sa akin"
napangiti na lang ako. yung medyo pilit. Pero medyo Hindi naman. kalito.
"Sorry talaga bestie"
tiningnan ko siya ng SORRY-FOR-WHAT look habang pinapasa sa kanya ang lalagyan ng kanin.
"Para saan naman Bestie? Kung dahil sa ikaw ang gusto ni Chris, kalimutan na natin yun. Wala kang kasalanan dun. Haha.. Di na ko bata noh. I can face reality. Tsaka ndi naman to first time. Ano ka ba?
napa pout naman siya, sabay sandal sa upuan at tingin sa akin.
"alam mo bestie, sobrang bait mo, kahit minsan may pagka demonyita at pilosopa ka. Mahahanap mo din siya Bestie. Siguro may mas the best for you"
sabay ngiti niya sa akin . And I know. She's right. Sandamakmak ang nangyari ngayong araw lang. Pero sanayan lang yan. :DD lagi nga kasing na eencounter eh.. ehnebe?
BINABASA MO ANG
A Love Song, Without The Love
Teen FictionLove song. Ang sarap pakinggan lalo kapag inlove ka. Paano pa kaya kung parehas nyo itong pinagsasaluhang awitin ng taong malapit sa puso mo? Sabi nila, maganda ang isang kanta kung taos puso mo itong aawitin; yung tipong walang pagpapanggap at may...