Ginabi na din kami sa pagtapos ng project namin. Sineryoso na namin, pang finals na din yun eh.
Tinxt ko na din si Mang Lito na 'wag na kong balikan sa school dahil magpapadiretso na lang ako sa bahay.
Hanga din ako kay Jerick, bukod sa pagiging hospitable nya at ng family nya, aba'y ihatid daw ba kaming lahat. Sa mismong mga bahay pa namin.
Kaya ayun, since ako ang may pinakamalayong bahay sa lahat, ako na lang ang natira sa sasakyan nya.
Tahimik lang naman ang byahe. Tahimik kasi syang tao eh. Ayon sa pagkakakilala ko sa kanya ng buong term.
"Pagpasensyahan mo na talaga si Ryk,Meia ha. Tropa ko yun eh. Baka masama lang pakiramdam kanina kaya ganun sya sayo."
Basag nito sa katahimikan habang tuloy lang sa pagmamaneho.
"aba. Eeh ang di ko lang naman magets, eh kung bakit ako lang pinag iinitan nya? Di kaya nakakatuwa. Tsaka tama na, ikaw pa nagsosorry. Dapat sya"
Napakamot naman sya sa batok nya, sabay buntong hininga.
"di kasi yun hihingi ng sorry,kaya ako na gumagawa. Haha.sorry na din ha.baka nakukulitan ka sakin"
"aish.ok na nga yun.hayaan na.wag na lang nya ulitin..nako babangasan ko sya"
Napatawa naman si Jerick sa sinabi ko.
Medyo napangiti din ako. Pero seryoso, babangasan ko yun pag naulit pa.
Paano ba naman kasi..
*Flashback*
"Ryk, paabot nga nung mga papers, please"
Pakiusap ko sa kanya habang nagsusulat, nakalahad ang mga kamay ko. Sya kasi pinakamalapit dun sa mga papers na kailangan ko."aba, bakit hindi ka tumayo dyan at ikaw ang kumuha?"
Sabay tayo nya at alis.Kunot noo,laglag panga naman akong napatingin sa kanya.
"WHAT?! Eh ikaw ang pinakamalapit ahh"
Di ko napigilang sigaw.
Napatingin tuloy samin yung iba naming kagroup. Habang sya nakatayo at nakatalikod sa direksyon ko."Meia, eto na yung papers,hayaan mo na si Ryk, sorry."
Di ko namalayang nasa tabi ko na pala si Jerick at iniaabot sa kin yung mga papers.Eh malayo naman po talaga sakin yun mga papel. Swear.
Kinuha ko yun at nagsimula na ulit magsulat.
"Tss. Di lahat ng bagay, eh hihintayin mo na lang lumapit sayo. Minsan kailangan mong ikaw mismo ang mag effort, lalo kung mahalaga yun sayo"
Muling laglag ang panga kong napatingin sa kanya. Pati narin ng iba pa naming mga kagroup.
Ang weird weird kasi nya.
Sabay labas at tambay sa may terrace nila Jerick.
Nakita ko na lang na napabuntong hininga si Jerick sa inaasal ng kaibigan.
At di pa dyan natatapos ang lahat
"Guys, mag by two's tayo. Teamwork ha. Para walang angal, bunutan ng partner."
Anunsyo ni Lea sa grupo. Hawak hawak nya ang isang bowl kung saan nakalagay mga names namin. Masyado kasing madaming gagawin, di lang paperworks. Ayun kailangan mag toka toka talaga.
Kalahati lang ng group ang bumunot sa names. Yung mga ndi bubunot dun, sila yung name na nasa bowl at sila naman ang bubunot sa kabilang bowl ng task na maaassign sa kanila.
BINABASA MO ANG
A Love Song, Without The Love
Teen FictionLove song. Ang sarap pakinggan lalo kapag inlove ka. Paano pa kaya kung parehas nyo itong pinagsasaluhang awitin ng taong malapit sa puso mo? Sabi nila, maganda ang isang kanta kung taos puso mo itong aawitin; yung tipong walang pagpapanggap at may...