Haist. Tahimik na naman,
Ganito ang eksena araw araw sa bahay na to mula nung dumating si Erick.
Oh well. Si Lea naman kasi kaibigan ko na yun since grade School.
Kaya kung gumugulo man ang bahay sa pagdating nya, sanay na mga tao.
Pero mas gumulo kay Erick eh.
Yung gulong minsan nakakabwisit, minsan nakakatuwa, minsan naman wala lang.
"Ate, anong oras uwi ni tito?"
ay. Oo nga pala noh. Di pa pala nauwi si papa.
"Padating na yun. Bakit?"
Naglakad na ko papuntang sala para manood ng TV.
"Wala lang. May pasalubong kaya siya?"
seryosong tanong niya habang nakasunod sa akin.
"Ako ngang anak walang hinihintay na pasa---"
"Hey! Good evening guys."
Masayang bungad ng papa ko sa amin.
"PA!!! MAY PASALUBONG ka ba?"
agad naman akong nagtutumakbo kay papa para maghanap ng pasalubong haha.
"Of course. eto oh"
Nagningning ang mga mata ko ng makita ko ang isang litrong Ice Cream *o*
"Pahanda mo na kay Jeff. Wag nyo ng bulabugin sina aling Marta. Pagod na yung mga yun"
"Yes Sir!"
sabay saludo ko pa kay papa.
"Oi Jeff, handa mo na yung pasalubong ni papa. WAG mong bawasan agad ha. Ako maghahati >:) "
haha.. Ang damot ano po? ganun po talaga sorry.
"Psh. Akala ko pa naman sasabihin mo kaninang hindi ka nag aabang ng pasalubong at AKO lang ang naghihintay. Patawa ka ate. HA-HA"
haha. mukhang napikon agad si insan Jeff ahh.. huhupa din sa ice cream yan >:))
Kumuha na siya ng kanya kanya naming lalagyan ng Ice Cream, at siyempre scoop at kutsara.
Ay. Siya nga po pala. Nandito po si Jeff para tumayong Half senyorito - Half Houseboy. Pero minsan. 75% senyorito yan eh. haha.
"Nak, palit lang si papa ng damit. Then, kakain na tayo ng Ice Cream. Walang mandudgas sa inyo ha. Hintayin nyo kong dalawa"
sabi naman ni papa bago tumungo sa kwarto niya sa taas.
nagkatinginan naman kami ni Jeff ng WALA-DAW-MAUUNA-HA look.
at ayun. yung ice cream matutunaw sa titig naming dalawa ng pinsan ko.
Yung itsura pa namin. Yung parang may para agaw sa gitna.
haha
Mga ilang minuto na rin atang walang nakurap sa amin.
"Oh! tama na yan. Tutunawin nyo sa titig yung Ice Cream eh. Buksan nyo na. Kain na tayo."
Sabi ni papa pagkaupo niya sa tabi ko.
Dali dali namang tinanggal ni Jeff yung Takip ng Ice Cream. Samantalang ako, kihuha ko kaagad yung lalagyan pagkatanggal ng takip >:) ayun. Ang labas tuloy, ako nakakuha ng unang scoop kaya dinamihan ko. Sunod si papa.. At huli si Jeff
ako pa
haha
ang Mukha ni Insan.
PRICELESS.
haha
kung may lalabas lang na usok sa tenga niya. Siguro nag usok na buong bahay.
Naka evil smile lang ako kay insan. Nang aasar pa din ang peg ko.
Tulad nga ng sabi ni bestie. Mabait po ako. Demonyita lang minsan. haha
"Nak, kumusta araw mo?"
Agaw atensyong tanong sa kin ni papa habang nakain siya ng Ice Cream.
"Ayos naman po pa. Medyo napagod lang sa School kanina.. Pero bawi naman kasi dumating sina Louie kanina. Bumisita din si Lea. Kaya di naman ma-ma-lungkot"
Medyo parang nabasag yung boses ko sa huli kong sinabi.
Minsan lang kasi kami magkakasama. Ngayon nga wala pa si mama eh.
Busy sila parehas sa trabaho. Pero ayoko na lang magreklamo. Para saan pa? Eh para naman sa akin ginagawa nila. Kaya iniintindi ko na lang.
Pero hindi naman talaga maiiwasan na malungkot ako di ba? mas lamang pa kasi ang mga oras na di namin kasama isa't isa.
"Nak, alam mo naman na--"
"Pa, ano ba? nakain tayo noh. Tsaka alam ko naman eh. Si mama nga pala? kelan ang uwe?"
Ngumiti na lang ako ng pilit. Ayokong i spoil ang masaya sanang pagkain ng Ice Cream ng dahil sa drama.
"Hmm... Plano ko sanang sumunod muna sa mama mo bukas. Baka Next month na kami makabalik. Maraming inaasikaso pa sa kumpanya. Kelangan pang makipag meeting sa mga investors na nasa malalayong probinsya. Kaya kami nalang ng mama mo sana ang pupunta sa kanila. dagdag puntos din sa deal yun."
Medyo nawawalan na ko ng gana. Pero yun nga. para naman to sakin eh. haha.
Keri ko pa to.
"Ah. ganun po ba? So, bukas po alis ka papuntang Baguio.? Di ba nandun si mama? then mag iikot kayo sa Pilipinas for the investors? Right?"
medyo pilit kong ndi magtunog sarkastiko ang pananalita ko. Buti nalang medyo napigilan ko naman -__-
"Oo, ganun na nga. Kaya ikaw. (sabay pat sa head ko) magpakabait ka ha. Wag mong bigyan ng sakit ng ulo sina Aling Marta."
hinayaan ko na lang si papa. Minsan lang naman yan eh. Sweet naman sila. Pero nakakamiss lang din talaga. Buti pa kasi nung wala pang kumpanya. Nung simple lang lahat. Pero siyempre. Iba pa rin talaga pag may pera na.
"Ay. nga pala pa. Nakausap mo na ba si ate? I heard may problema siya regarding sa health ng asawa niya"
sandaling napatahimik si papa.
bago ay bumuntong hininga.
"Ako na bahala sa ate mo. Wag mo siyang intindihin ha. (sabay punas ng table napkin sa bibig niya) hmm. tapos na kong kumain. Magpapahinga na ko. Matulog na rin kayo. Ikaw Jeff. Linisin mo tong pinagkainan bago ka matulog ha. At ikaw Princess ko, wag ng mag isip isip ha (kiss sa forehead) Love ka namin ni Mama. Wag mong isipin ate mo. ako na bahala sa kanya. Goodnight."
napapikit na lang ako. Halo halo ang emosiyon na nararamdaman ko. And take note. isang araw pa lang to.
paano pa sa mga susunod?
Tinapos ko na ang pagkain at dumeretso na sa kwarto ko. Iniwan ko na si Jeff para magligpit at maghugas.
Naglinis muna ako ng katawan.
Tapos ay humiga na sa kama.
Nakatingin sa kisame
at tumatakbo ang isip sa kawalan
hanggang sa kunin na ko ng antok
at dinala sa katahimikan.
BINABASA MO ANG
A Love Song, Without The Love
Teen FictionLove song. Ang sarap pakinggan lalo kapag inlove ka. Paano pa kaya kung parehas nyo itong pinagsasaluhang awitin ng taong malapit sa puso mo? Sabi nila, maganda ang isang kanta kung taos puso mo itong aawitin; yung tipong walang pagpapanggap at may...