Pagkahatid sa kin ni Chris, agad na din siyang umalis.
Niyaya ko siya para makapag merienda sa loob pero ayaw niya.
haha
Siguro miss na miss na kasi niya yung Bestie ko :">
Pagkapasok ko ng Pintuan, isang kutong lupa ang nakaupo sa sala at humahagalpak sa kakatawa sa pinapanuod niyang TV show.
"Oh, hija, kumusta ang malling nyo ni Lea? Si sir Jeff nga pala at Sir Louie mamaya pa makakapunta. Si Sir Jeff may group project pa daw kaya mamaya pa niya madadaanan si Sir Louie."
Di ako sumagot sa sinasabi ni Aling Marta, sa halip ay nakatingin ako sa direksyon ni Erick.
"Ay, oo nga pala. Pinapasok ko na sya. Kanina pa kasi nasa gate eh."
"Ahh. ganun po ba? Nagmerienda na po ba yan? Parang ang daming energy ahh"
"Hindi pa hija. Pero ikaw, kung gusto mo nang magmerienda, may nakahain na dun sa dining area. Tatawagin ko na lang si Sir erick para may kasama kang kumain."
Nag isip muna ako.
"Sige po. Pero sumabay na din po kayo sa amin. Para naman di masyadong malungkot"
I gave a weak smile.
"Osige hija. Mauna ka na dun. Susunod na kami"
Nagkaroon ng konting kwentuhan habang nakain.
Masaya talaga pag may kasama sa hapag kainan noh? :)
Nagsalo salo kami sa niluto ni Aling Marta na sopas.
Mas gusto ko talaga lutong bahay kesa luto sa labas.
"Akyat na po ako. Pinag oonline pa po kasi ako ni mama eh. May sasabihin daw po."
Tumayo na ko at iniligpit ang pinagkainan ko.
"sama ako!"
Presinta naman ni Erick na nagmamadaling nilagay yung pinagkainan niya sa lababo.
"Samahan? eh di naman ako aalis. Sa taas lang ako. Sa tapat ng laptop. Sa harap ng nanay ko."
at tinalikuran ko na siya.
nakangiti lang naman sa aming dalawa sina Aling Marta, Mang Tony at Mang Lito.
At ang kutong lupa. Sinabi ng wag sumunod, sumunod pa din. Ang hilig niyang salungatin yung mga gusto at nararamdaman ko. >.<
Pagkapasok ko ng kwarto, Binarog ko yung pinto.
eh sakto. Nandun na pala siya.
Kaya di mo man gustong ipatama sa kanya, sinalo naman ng ulo nya. XD
"aray naman! Di talaga ako pwedeng umuwi galing dito ng walang pasa noh?"
Nakasimangot siya habang hawak hawak yung noo nya.
Ako naman, nakaupo na sa may swivel chair at nasa tapat na ng laptop ko.
Kumuha naman siya ng upuan at habang hawak ang noo niya ay pumwesto sa tabi ko.
"sino ba naman kasing nagsabi sayo na sumunod ka sakin?"
Litanya ko habang tinatype ang email at password ko.
"PSH. Masama bang sumama. Eh sa wala akong kasama sa baba eh. Ang lungkot kaya"
"Malungkot ka pa nun? Eh kanina nga tawa ka ng tawa nung inabutan kita eh."
"eh? Nakita mo yun? hahaha.. Panuorin mo minsan yun. Hanapin mo sa youtube. Matatawa ka talaga"
pagmamalaki pa niya.
BINABASA MO ANG
A Love Song, Without The Love
Teen FictionLove song. Ang sarap pakinggan lalo kapag inlove ka. Paano pa kaya kung parehas nyo itong pinagsasaluhang awitin ng taong malapit sa puso mo? Sabi nila, maganda ang isang kanta kung taos puso mo itong aawitin; yung tipong walang pagpapanggap at may...