*dub dub dub dub*
Magkadikit pa rin ang noo namin at nagpapakiramdaman. Hindi ko man nakikita, pero ramdam ko ang mas papalapit pa niyang paghinga.
Lumalakas lalo ang kabog ng dibdib ko. Parang tatalon ang puso ko palabas ng katawan ko.
Ngayon ko lang to naramdaman.
Ganito ba talaga?
Pag na inlove ka?
Tang orange naman oh.
"sabihin mo lang Erick, sabihin mo lang ikaw na kumag ka.. sabihin mo lang na mahal mo ko. YUN lang. mawawala na lahat ng alinlangan ko."
Bakit kasi ganto? bakit puro paramdam na lang kami?
Pinapaasa niya ba ko?
May aasahan ba ko?
Ang gulo naman eh..
Nararamdaman ko ang pag init ng mga mata kong nakapikit pa din.
SHET! muntae lang. AYOKONG umiyak.
PIgil
PIGIL
PIGIILLL..
*Creeeeeeeeeek*
"TIIIIIIIITAAAAAAAAAA MEIAAAAAA koooooo.."
"AY. TINAPA!"
naitulak ko bigla si Erick, at napatalon naman ako patayo sa may gilid ng kama.
o.o --> erick
O.O --> ako
waaaaaaaaaah.. matutuyo na ata lahat ng dugo ko sa mukha hanggang paa.
"pi- Pipoy! B--Baby!"
Sabay ngiti ko sa nagbukas ng pinto..
Tumakbo naman ito palapit sakin at yumakap sa may bewang ko.
"I miss you tita. ^__^"
ang cute talaga ni pipoy *o*
"Miss you too baby"
umupo ako para magkapantay kami.. sabay kurot ko sa pisngi nya.
*ehem*
napatingin kami ni Pipoy sa direksyon ni Erick
amp.. pabalik na yung kulay ko sa mukha eh..
KAYA LANG NASOBRAHAN NAMAN sa pula..
Langyang kumag to.. papansin..
Naalala ko na naman yung kanina..
muntik na yun ahh...
AWKWARD na tuloy..
"waaaaaaaahh.. Tito Erick.. *o* "
tinalikuran na ko ni Pipoy T^T..
dali dali naman siyang umakyat sa kama ko at niyapos si Erick..
OKAY!! SILA NA CLOSE>.< Kalimutan daw ba ko?
uhm.. Si Pipoy nga po pala ay anak ng pinsan ko. To be exact, anak siya ng kapatid ni Jeff.. si ate Hannah.
"Tito, bakit sobrang close nyo ni tita kanina? I thought you hate each other?"
Nagkatinginan tuloy kami ni Kumag sa tanong nung bata.
>________________< ehhh? paano ba to?
itinda nyo na po ko sa palengke..
Pinakamapulang kamatis na itsura ng mukha ko ><
Tapos namumula na din si kumag.. pero may halong pagpipigil ng tawa yung aura niya..
KAINIS.. siya na.. SIYA NA TALAGA.
"uhmm.. baby, tito and tita were just having a .....
a..
a.. game.. Right.. naglalaro lang kami ng tita mo kanina.. Truth or dare.. know that game?"
mabilis namang tumango tango yung bata.
WOW!!! so laro lang yun? galing magpalusot ng kuya mo.. XD
Pinagmamasdan ko lang silang dalawa..
HANGKYUT lang..
Para kasing kahit anong kulit at childish ni Erick, eh parang ang galing niyang mag alaga ng bata.
Napapatawa na lang din ako, habang eto at nakatayo pa din sa lugar ko kanina..
Ang swerte siguro kung siya yung magiging asawa ko at tatay ng mga anak ko..
wait.. ano ba tong naiisip ko ?>.<
erase erase erase...
>.<
"okay. grab tita's hand. We'll go downstairs. Magpaalam ka muna sa mommy mo, okay? Then we'll all go."
ano daw?
Hinila naman na ni Pipoy yung kamay ko at ginuide ako palabas... habang nakasunod sa amin si Erick.
"Hey, saan tayo pupunta?"
tanong ko kay Erick habang hila hila pa din ako ni Pipoy.
"Di mo ba kami naririnig kanina.. Akala ko alam mo kasi kanina mo pa kami nilulusaw sa tingin mo."
then he smirked.
"ARRGGHH.. Magtatanong ba ko kung alam ko?"
Tinuon ko na lang yung tingin ko sa dinadaanan namin.
"Palibhasa ina admire mo ko.. Pinagnanasaan mo na siguro ako sa utak mo noh"
WHAT? may panunukso pa talaga sa tono niya ha.. IN HIS DREAMS>.>
"Feeler. nakatingin ako kay Pipoy hindi sayo. Psh. Never kitang inadmire. TSE!"
Nung nakababa na kami, nandun sa may kusina si ate Hannah.
Agad tumakbo sa kanya si Pipoy, then nagtatatalong nagpaalam.
"Ma, Tito Erick said that he will bring me to the park. With Tita Meia. Papayagan mo ba ko? Please ma, please.."
nakakatuwa yung itsura ni Pipoy.. Ang cute cute..Sino bang makakatanggi?
Tumingin naman sa gawi namin si Ate Hannah, then nag smile. Nagwave ako sa kanya to say hi. Parang kapatid ko na din kasi yun eh.
"Ok baby. But make sure that you'll be a good boy ha. Don't play tricks with your tito Erick and tita Meia. We'll study later so don't play too much. Ok?"
English speaking noh? sanayin daw ang bata eh XD.
Tumango naman si Pipoy at kiniss si Ate hannah sa pisngi.
Patakbo siyang lumapit sa akin, hinila niya ang kamay ko, tapos ay lumapit kay Erick at humawak din sa kamay nito.
Patakbo siyang lumabas ng bahay habang kalakaladkad kami.
Pag tapak namin sa labas, pansamantala kaming napahinto.
Napatingin ako sa kamay kong hawak ni Pipoy, at sa di ko malamang dahilan, umangat ang tingin ko sa isa pang katabi ng bata. Sino paba?
Nagkatinginan kami. Nakangiti siya. Napangiti na din ako.
"Let's go!"
Napatango na lang ako habang nakangiti pa din.
I never expected na magkakaroon ako.. o kami, ng ganitong moment.
"Let's go na daw baby"
With that, sabay sabay kaming naglakad papuntang park.
Di pa man natatapos.. Alam kong eto ang magiging isa sa pinakamagandang araw na meron ako..
BINABASA MO ANG
A Love Song, Without The Love
Teen FictionLove song. Ang sarap pakinggan lalo kapag inlove ka. Paano pa kaya kung parehas nyo itong pinagsasaluhang awitin ng taong malapit sa puso mo? Sabi nila, maganda ang isang kanta kung taos puso mo itong aawitin; yung tipong walang pagpapanggap at may...