Chapter 8

25 0 0
                                    

♫♪ If we could throw away the hate

  And make love last another day

  Don't give up just for today

  Life would be so simple ♫♪

Kinapa kapa ko sa paligid kung saan nang gagaling yung tunog.

Kapa sa kanan.

wala

Kapa sa kaliwa

wala

Eh? o.O nasan na yung phone ko?

Tinatamad pa din akong buksan ang mga mata ko.

Kinapa kapa ko nasa sa ulunan ko.

at Bingo. haha nandun lang pala

kaya pala parang nasa concert ako kanina. Eh sobrang lapit pala nung phone ko sa ulo ko -__-

Chineck ko kung anung oras na.

5:00 am. at inaantok pa po ako. mamaya pa namang 7 ang klase ko. Pero pag di ako bumangon ngayon. malelate naman ako mamaya T^T

konting idlip na lang.

konti lang

"ARRGGGHHH. bakit kasi ang aaga ng napunta sa king sched eh. Para pa ring akong HS nito eh T^T"

kaya no choice na ko.

para akong zombie habang papunta sa may closet para maghanda ng damit. bago dumeretso na ko sa banyo.

Binuksan ko agad yung shower pagkahubad ko ng damit ko.

nanginignginig naman ang katawan ko sa lamig ng tubig na bumuhos sa kin.

Alis nga pala ulit ni papa ngayon. Medyo nagising na ang diwa ko.

Hinayaan ko munang agusin ng tubig yung mga bagay na lumalangoy sa utak ko mula pa kahapon.

Wala na sakin yung isyu kay Chris. Na infatuate lang siguro ako sa tao. Pero may mga bagay sa buhay ko na sadyang di ako nakakamove on. At yun ang laging bumabagabag sa isip ko.

nung halos babad na ko sa tubig. Naisipan ko ng bilisan sa paliligo. Aba. nakakasira din naman ng balat ang nabababad sa tubig noh.

Nagbihis na din ako at nag ayos. after 45 mins. ready to go na ko.

haha.. Pero siyempre. Mag aalmusal pa ko.

Paglabas ko ng kwarto ko, napatingin ako sa side ng kwarto nina Papa. Nagdadalawang isip pa ko kung pupuntahan ko siya.

Lumapit na ko at saktong nasa may tapat ng pintuan, nang bumukas ito at iniluwa ang papa ko.

"oh, Prinsesa ko, may kailangan ka ba? Budget for this month? Additional allowance? or may gusto ka ba sa store na new gadgets? or you just miss papa?

Naka formal suit na nga pala si papa niyan at inaayos ang necktie nya habang nagsasalita.

sa totoo lang. nagpanting ang tenga ko nung marinig ko ang mga katagang "may kailangan ka ba? Budget for this month? Additional allowance? or may gusto ka ba sa store na new gadgets?"

siguro kung sa iba, matutuwa sila.  Kasi instant eh. Kung anong gusto nila, makukuha nila. But not me. Yun ang iniisip ng parents ko. But that's not exactly what i need. the actual reason kung bakit ako laging nalapit sa kanila is because of the last option that my father asked. It's because I miss them.

"Meia. answer me. May problema ka ba ha?"

bumalik ang katinuan ko after my father snapped his fingers infront of my face.

"Ahh.. wala po. Tatawagin lang po sana kita for breakfast. You know. Aalis ka po mamaya with mom di ba? Kaya siguro naman ok lang kung sabay tayong mag aagahan."

nakatungo kong sagot sabay talikod na at deretso sa may dining area.

Pagdating ko sa dining area, nakaupo na si Jeff sa may dining table at parang hinihintay na lang kami.

"oh ate, upo ka na. Hintayin na lang natin si tito. Gutom na ko eh"

di ko siya inimik. Wala ako sa mood.

Napatahimik na lang din siya.

"Oh. Tara na. kain na tayo. baka mahuli pa kayo sa mga klase nyo"

dumating na pala si papa. Di ko namalayan.

Kinuha nya yung pinaglalagyan ng sinangag at sinandukan ako sa plato ko ng kanin at ulam. Hilig pa rin  niya kong ituring na bata.

Ganto lagi ang eksena pag wala sina Erick. Tahimik at seryoso ang buong paligid.

Walang nag salita hanggang matapos ang agahan.

"Hmm. Princess Meia, alis na si papa ha. Pakabait. Kayong dalawang ni Jeff. OK? (kissed my forehead) Jeff. Bantayan mo ate mo ha. Bye nak, ingat lagi ha."

Then he went inside his car and drove away.

"Jeff, tara na. We'll be late for school"

dire diretso naman akong naglakad patungo sa nakaparadang Toyota Innova.

"Oo ate, Andiyan na ko."

nagtutumakbo namang sumunod si Jeff. Paano. pag di niya kasi ako naabutan, paglalakarin ko siya mula sa amin hanggang school nila.

medyo kinalma ko muna ang sarili ko. Nag isip ng bahagya habang nasa biyahe.

Tama.

kinuha ko ang phone ko at inopen ang messaging

To: papa

ingat po kayo ni mama. Love you po.

from: Meia

--SEND--

medyo gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa ko. Pero hindi lubusan.

Mukhang kelangan ko nang makakabasag sa katahimikan.

Mukhang kelangan ko si Erick

A Love Song, Without The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon