♫♪ So I'm putting my defenses up.
Cause I don't wanna fall in love.
If I ever did that.
I think I'd have a heart attack. ♫♪
"Pa, magpapakasal na po ako."
"Hindi ba't parang ang aga naman? Bata ka pa. Pag isipan mo muna"
Nakatayo lang ako. Nakikinig. At walang emosyon.
"Pa, malaki na po ako. Tsaka, mahirap na po ang mag isa. Lagi na lang akong inaatasan ni Mama na mag alaga ng mga kapatid ko. O kaya ng lola ko. Gusto ko na pong bumukod sa kanila. At bigyan naman ng panahon ang sarili ko."
Tiningnan ko si papa, at kahit hindi niya ipakita, bakas ang pag guhit ng sakit sa kanya.
Nagsimula ng paglaruan ni papa ang wedding ring nila ni mama habang nakasuot sa kanya.
Senyales na di nya alam ang gagawin.
"Ikaw. Kung yan na ba talaga ang pasya mo. Pasya nyo. Mukhang mabait naman tong mapapangasawa mo. Kaya lang sayang at di ko muna siya nakilala ng mas lubusan."
Aniya nito sabay tingin sa lalaking nasa tapat niya.
"kelan ang kasal?" pagpapatuloy pa nito.
"kung may kailangan ka para sa preparasyon, sabihin mo lang."
"Plano po sana namin na sa July ganapin ang kasal. Simpleng kasalanan lang naman po. Presensya mo lang po ang kailangan ko papa."
"Then, if that's the case. I'll be there"
Hinawakan ni Ate ang kamay ni papa at nagpasalamat.
"aasahan ko po yan pa. Mauna na po kami."
Naiwan lang akong nakatayo sa isang tabi. Wala pa ding emosyon.
May tumatawag sakin.
..
"Meia...."
"Meia...."
"Clarissa...
...Mae..
...Olevario"
Lumalapit ang boses..
minulat ko ang mata ko..
"MEIAAAAAAAA... TANGHALI NA!!!"
Napabangon naman ako bigla. at nauntog sa isang matigas na bagay.
"AW! ano yun?"
himas himas ko yung noo ko. sabay bukas ng ayos ng mata ko.
Bumungad sa kin ang naiiyak na expression ni Bestie.
"Bestie, ang tigas pala talaga ng ulo mo."
puna ko habang natatawang hinihimas pa din ang noo ko at pinagmamasdan ang pagbabago ng ekspresyon niya.
"Bestie, pinakaba mo ko. Kanina pa papaling paling yung ulo mo. Tapos di kita magising gising. Tsaka bakit ka nandito sa guest room nyo?"
sabay yakap pa nito sa kin.
Tama po. Sa guest room ako natulog.
which means di nagising si Kumag pagsapit ng 9pm. kaya ayun. pinaiwanan ko na kay Louie.
"Ano ba bestie. Buhay pa ko noh. haha. Nanaginip lang ako. Tsaka dito kasi natulog si Erick kaya nandito ako."
"WHHHAAAAAAAAAAAAT? Dito natulog si Erick? As in Dito?"
BINABASA MO ANG
A Love Song, Without The Love
Teen FictionLove song. Ang sarap pakinggan lalo kapag inlove ka. Paano pa kaya kung parehas nyo itong pinagsasaluhang awitin ng taong malapit sa puso mo? Sabi nila, maganda ang isang kanta kung taos puso mo itong aawitin; yung tipong walang pagpapanggap at may...