Nakakapanibago.
Yan lang yung masasabi ko.
Eh paano ba naman? Yung dakila kong pinsan, ayun at parang binagsakan ng langit at lupa.
Hindi makausap ng ayos. -__- di ko tuloy alam kung maaawa ako o maiirita. Ang drama niya kasi.
Hindi ko naman siya masisi. Lalong di ko masisi si Roxanne. Inusente naman kasi yung kaibigan ko. Ang mapilit lang eh tong lokong to. :[
"Anong nangyari kay Jeff?"
Tanong sa akin ni Louie ng makapasok siya ng bahay at nakita si Jeff na nakasalagmak sa upuan at tulala sa TV na may nakakatawang palabas.
"Malay ko diyan. Kanina pa yan ganyan eh. I mean. KAHAPON pa siya ganyan. Broken Hearted siguro?"
naglakad naman ako papunta dun sa may hagdan at doon naupo. Baka marinig pa nung tao na siya yung pinag uusapan. Lalong riot utak nun.
"Eh? ano bang nangyari kahapon?"
sumunod naman sa akin si Louie at umupo din sa may baitang ng hagdan.
"Eh, dumating lang naman yung kinababaliwan niya na may kasamang iba."
Summarized kong sagot. nakakapagod magsalita eh.
bahagya namang napaatras ng onti at nanlaki ang mata ni Louie na mistulang gulat na gulat.
napataas naman ang kilay ko sa kanya. Kaya medyo napaayos naman siya ng konti.
"whoa. Masakit yun ahh.. masakit yun.. sa kanya. Kaya naman pala ganyan itsura nyan. Di lang na itsapwera sa FB. Hanggang sa personal, lalong nawalan ng pag - asa"
at napailing pa ang bruho.
"Si Erick di mo kasama?"
wala sa hinagap kong tanong.
Medyo napalunok ako ng marealize ko kung ano yung lumabas sa bibig ko. Tama daw ba kasing hanapin si Erick kay Louie?
nagpanggap na lang akong Normal
"Tss. Bakit mo naman sya hinahanap? Di ko siya kasama. Namiss mo?"
then he smirked. What the F? Bistado ako.
Normal
Normal
Think
Think
Palusot
Palusot
Loading.........
"uhmm.. kasi.. kasi ano eh..
Loading Complete..
Kasi yung practice. Sayang ang oras.. Sana di siya pa VIP noh"
then I rolled my eyes. Para mas makatotohanan..
Pero deep inside..
"Nasaan na siya? :("
"Sus. Akala ko naman na miss mo na. Ikaw insan ha. May tinatago ka ata."
"Ako? O.O wala. wala. wala talaga. Promise. Mamatay man si batman"
pakiramdam ko nag init mukha ko sa kahihiyan.
"haha. pati si Batman dinamay"
*ehem*
sabay kaming napatingin ni Louie sa may tapat namin, kung saan nakatayo na pala si Jeff. At mukhang aakyat kaya nag *ehem* para mag excuse.
Nakalimutan na ba niyang magsalita? -__- pero nagets naman namin ni Louie kaya nag give way na kami.
nang makalipas ang ilang minuto..
BINABASA MO ANG
A Love Song, Without The Love
Teen FictionLove song. Ang sarap pakinggan lalo kapag inlove ka. Paano pa kaya kung parehas nyo itong pinagsasaluhang awitin ng taong malapit sa puso mo? Sabi nila, maganda ang isang kanta kung taos puso mo itong aawitin; yung tipong walang pagpapanggap at may...