"Sige na please...party na tayo!"
"A.YO.KO"
Kaya naman pala niya ako pinuntahan sa school kanina para lang mag-ayang pumarty
"For goodness sake Tara 2nd day palang ng pasukan niyo nag-aaral ka na!"
"Kailangan kasi Jack. Pwede ba huwag kang istorbo."
Kelan kaya to magbabago? Wala atang balak magseryoso sa buhay niya.
"Ang boring naman ng buhay mo!"
"Well, Road to MD"
Inirapan niya ako at tumahimik na rin sa wakas! Kung alam lang sana ng makulit kong kaibigan kung gaano kahirap maging med student. Yup, pangarap ko talaga maging doctor at ito ako ngayon nagsusumikap para maabot yun.
"Nalampasan mo nga ang 1st year, makakapasa ka rin ng 2nd year!"
"Ssshh! Si Selena nalang yayain mo. For sure di yun busy."
Saan nga ba si Selena? Bakit ako ang ginugulo ng babaeng to
"Hay nako, busy yun makipaglampungan sa boyfriend niyang manloloko."
Oh I see.. Kaya naman pala ako ang ginugulo niya ngayon. Silang dalawa kasi ang mahilig pumarty
Hinarap ko siya. Kanina pa kasi siya pagulong-gulong sa kama ko.
"Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo? E kung asikasuhin mo kaya yung Business na binibigay sayo ng Dad mo."
"No way! Di ko kailangan ng Business niya!"
"E di magtayo ka ng sarili mong business or mag-apply ka ng trabaho, Sayang lang inaral sa mo kung di mo rin gagamitin."
Tourism graduate kasi siya at nag-enroll din siya ng culinary class kaso tinigil niya lang din kasi masyado daw mahal.
"E paano ka mabubuhay niyan? sa pagkakaalam ko wala na ring pake sayo yung Mom mo?"
At biglang may lumipad na unan sa mukha ko.
"Aray ha!!"
"Truth hurts Jackie!"
"Whatever Tara! Party na kasi tayo!!!"
Sa party niya kasi inaalis yung lungkot sa buhay niya. Well, may sariling pamilya na ngayon ang mga magulang niya. At siya? Iniwan nalang nila sa katulong niya. Binibigyan naman siya sustento ng Dad niya. Yung Mom niya kasi nasa ibang bansa, nagpakasal sa isang German at kukunin daw si Jackie kapag stable na sila doon. At ayaw naman ni Jackie, di niya daw kailangan ng pamilya.
"Ok."
No choice akong samahan siya. Kawawa din naman kasi tong kaibigan ko. Bakit kasi napakabait kong tao!?
"Yey! Sabi na nga ba di mo ako matitiis!" tumatalon siya sas kama ko na parang batang palaka. Nakakainis! Ayoko pa naman sa lahat yung nagugulo yung gamit ko.
"Jack stop jumping! Wait di pa ako tapos...!"
Nag-pout siya at umupo ng maayos
"Ano nanaman kundisyon mo?"
"Syempre tatapusin ko muna tong school works ko den paparty na tayo."
Abot tenga yung ngiti niya at bumangon para yakapin ako
"Sureee! Take your time."
After 2 hours natapos din ako mag-aral. Nagbihis naman kami kaagad. Then tadaa! Ready na kami.
