"Psst...nakatulala ka nanaman." Bulong sa akin ni Dom
Nakakainis naman kasi, imbes na pag-aaral yung iniisip ko hindi ko pa rin maiwasang isipin yung gustong mangyari ni Rain.
"Nope..nagmememorize lang." rason ko sakanya
"Wala naman tayong quiz bukas ha? Anong inaaral mo?"
Wala nga naman. Ano ba yan kung ano-ano kasi iniisip ko.
''Malay mo." Pagdedepensa ko sakanya
"Kanina ka pa ganyan Tara, ok ka lang ba?" hinawakan niya yung balikat ko. Concern naman lagi sa akin si Dom. Ewan ko ba kung bakit siya ganito.
"Ah uuwi na ako. May pupuntahan pa kasi ako." Kahit wala naman. Nakatambay kasi kami dito sa library para tapusin yung lab manuals namin kaso tapos ko na kaya nagpasya na akong umuwi.
"Wait!" may kinuha siya sa bag niya. Isang papel, inabot niya sa akin "Punta tayo sa grand opening nung bagong bar sa Taguig."
Tinignan ko yung ticket at nakita yung pangalan ng bar. Seems interesting huh?
"Kailan to?"
"Sa Friday.Punta tayo ha?"
"Wala ka na bang ibang ticket? Gusto ko kasi isama yung dalawa kong kaibigan." For sure kasi magugustuhan to ni Jackie at Selena.
"Ay wala na e, pero tatry kong humingi dun sa barkada ko. Kaibigan niya daw kasi yung may-ari."
"Talaga? Sino daw?"
"Basta pamangkin daw ni Senador Javier"
So pinsan ni Rain? Hindi kaya family business nila to?
"O sge inform mo ako kung meron ha?" tumango naman siya. Inayos ko na ang gamit para makauwi na
"Ingat Tara. Sana makapunta ka." Ngumiti ako sakanya at kumaway.
Habang nagdradradrive ako pauwi bigla namang tumunog yung cellphone ko
Selena calling...
"Hello bitch! Where you?"
"Pauwi na. Bakit?"
"Sakto! Otw na kami ni Jackie sa condo mo. Patambay pwede?"
"Sure. Miss ko rin naman na kayo. Lalo ka na. always MIA haha!"
"Haha! Sorry na. Sge see you later"
Inend ko na yung tawag. Ano nanaman kayang gagawin nila sa condo ko? Nako baka madulas pa ako sakanila at baka masabi yung deal ni Rain, sabi niya pa naman din sa aming dalawa lang daw muna yon habang di pa ako nakakadecide.
Nakarating naman ako agad sa Condo ko. Inayos ko muna yung sala. Baka kasi magreklamo ang senyoritang si Selena. Masyado kasi siyang malinis pagdating sa mga gamit.
After 20 minutes nakarating naman na sila
''OMG TARAAA! Bakit ang payat mo??" humalik muna siya sa pisngi bago ako niyakap. Nakipagyakapan din si Jackie kaya ang dating naging group hug.
"IMISSYOU GULRSSS! SORRY SA PAGIGING MIA!" sigaw ni Selena.
Bumitaw naman na kami sa pagyakap sa isa't-isa. Agad naman silangpumunta sa sala.