Chapter 8

14 2 0
                                    

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring imik tong si Rain. Hindi ko din alam kung saan kami pupunta.

"So--rry kung matagal kitang pinag-antay...hindi ko naman kasi alam na kanina ka pa sa labas."

Binasag ko na yung katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko naman kasi alam kung anong problema niya. Masyadong awkward tong sitwasyon na to.

"Galit ka ba? "

Ngunit parang wala siyang narinig. Wala ba siyang balak kausapin ako?

"Rain"

Lumingon siya sa akin at tinaas ang isang kilay niya

"Ano bang problema mo? Kanina pa kita kinakausap pero parang wala kang naririnig!?"

Nataasan ko na siya ng boses siguro  dahil sa nakainom ako. Pero nakakainis din naman kasi dahil hindi pa rin siya nagsasalita. Paano ko malalaman kung bakit ganyan ang inaasta niya kung hindi niya sasabihin sa akin ang rason.

"Sinabi ko shut-up kanina diba? Kaya hinayaan nalang kita kakadada diyan mukhang di mo ata ako naintindihan"

Ano ba talagang problema nang lalakeng to?

"Nakakaintindi ako ng english Rain! Ano ako bobo!?"

Ngumisi siya at lumabas sa kotse niya. Ngayon ko lang narealize na kanina pa kami nakapark.

Lumabas din ako at inikot ang paningin ko sa paligid.

"Saan to?" Masungit kong tanong sakanya

Parang nasa tuktok kami ng bundok kasi kitang -kita ang buong city. Ang ganda dito, mahangin at napakapeaceful. Ang ganda pala ng Metro Manila kapag gabi. Ngayon ko lang na-appreciate.

"One of my favorite place"

Nakasandal siya sa harap ng kotse niya at nakatingin ng diretso sa akin.

"Lagi kang tumatambay dito?"

Tumango siya sa akin. Well kung ako din naman siguro lagi din ako tatambay dito. Nakakaalis kasi ng problema yung awra dito.

"Bakit tayo nandito?"

Lumapit ako sakanya pero hindi naman sobrang lapit at iniwas ang tingin ko sakanya.

"Let's talk" seryoso niyang sagot sa akin

Tiningnan ko siya, ano pa nga ba tong ginagawa namin?

"Hindi pa ba tayo nag-uusap? " sarcastic kong tanong sakanya

"About our deal"

Pagkatapos niyang banggitin yun bigla nalang ako kinabahan. Kaya ako napatingin sakanya. SO this is it! Sasabihin ko na sakanya yung desisyon ko.

Napagdesisyunan kong pumayag sa deal niya, mahirap din to kasi magpapanggap ako as a girlfriend niya. Pinag-isipan ko to ng mabuti pero natatakot din ako sa kakalabasan.

"Ahh...about...that....pumapayag ako sa deal mo " ngumisi siya at hinila ako palapit sakanya.

OMG! Anong binabalak ng lalakeng to? Ramdam ko ang init ng katawan niya. Nakatingin siya ng diretso sa mata ko. Kanina pa ako naiilang dito.

"Raaiiiin bak---" hindi ako makatingin ng diretso sakanya

"Look at me Tara." Seryoso niyang sinabi pero hindi ko siya sinunod.

Inikot niya ang mukha ko sa mukha niya kaya eto kami ngayon parang magjowang maghahalikan.

"You're mine now. Only mine Tara" namilog ang mata ko sa sinabi niya. Bakit ba to seryoso ngayon?  Huwag niyang sabihin na may gusto talaga siya sa akin.

TiaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon