Nagising ako dahil sa sobrang gutom. Hinanap ko yung cellphone kong nakapatay pa rin pero iniwan kong nakacharge. Pagkauwi ko kasi kanina agad akong natulog.
Pagkatingin ko sa orasan 10 pm na pala. Agad ko namang inon yung cellphone ko. Grabe 9 hours akong tulog. Pero infairness ang sarap sa feeling.
Sunod sunod na text messages ang bumulaga sa akin. Galing kay Jackie, Dom, Selena, at Mommy.
Una kong tinawagan si Mommy, medyo matagal niyang sinagot yung tawag ko. Siguro busy siya.
"For god sake Tara kanina pa kita kinocontact! Saan ka ba? Pupuntahan na sana kita kasi kanina ka pa cannot be reach at hindi ka manlang magtext!"
Ano ba yan sermon agad
"Mom relax, nandito lang ako sa condo. Nakatulog kasi ako kanina at lowbat phone ko. Ngayon ko lang chinarge."
"Since tanghali ka pa den natulog? Ang tagal naman ata?"
Orayt peeps that's my mom. Mahirap talaga siyang iconvince na nagsasabi ka ng totoo. May trust issues e.
"Yes Mom, Promise po. Medyo napuyat kagabi"
Huminga siya ng malalim bago nagsalita "Ok. So how are you?"
"I'm fine Mom. Kayo po?"
"I'm fine too. Medyo busy lang kaya hindi ako nakakatawag sayo. Anyway, malapit na ang launching ng Basic collections ko, tell your friends kayo ang magmomodel ha?"
Eto nanaman siya sa business niya. Ako kasi lagi niyang ginagawang model, minsan sinasama ko si Jackie at Selena
"Sure Mom, Just update me kung kelan."
Bigla siyang tumahimik ang humugot nanaman ng hangin
"Iha...I saw Spencer kanina. He's with a girl at sobrang sweet nila. He's cheating on you." Naiinis niyang sinabi
Oh sht! Hindi pa pala alam ni Mommy yung nangyari 1year ago.
"Mom. Sorry hindi ko nasabi sayo, pero almost a year na kaming break."
"What!? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Anong nangyari? Nahuli mo ba siya may babae? Sinaktan ka niya? Minolestya?"
Funny talaga ni Mommy mag-alala
"Relax Mom..nahuli ko siyang may babae. Not just once but twice."
"I'm sorry to hear that...ok ka lang ba? Nakamove-on ka na ba?"
May halong pag-aalala sa boses ni mommy. Ayaw niya kasi akong nadedepressed. Ayaw niya akong maging malungkot dahil sa lalake. Kaya nga nung naging kami ni Spencer lagi niyang sinasabi sa akin na sabihin ko lang daw sakanya kung sinasaktan ako nung ex ko kung di puputulin niya daw yung alaga ni Spencer hahaha.
"Mom ok na ako. Haha" pagtawa ko para kumalma siya
"So dati hindi ka ok? Bakit hindi mo sinabi sa akin yan?"
"Kasi ayaw ko pang madawit ka sa gulo namin Ma...at nakayanan ko naman e.AT tinulungan naman ako nila Jackie at Selena."
Natahimik siya, para bang may iniisip
"Ano pang kwenta kong nanay kung pati problema ng anak ko hindi ko alam. If may problem ka Tara sabihin mo lang sa akin ha? Kahit sobrnag busy ko dadamayan naman kita e."
I understand her, sabi na nga ba magtatampo siya.
"Yes Mom, sorry"
"Oh ano may pera ka pa ba? Naggrogrocery ka ba ng mga pagkain mo? Nakakapagshopping ka pa ba? Maghuhulog ako sa account mo bukas."
