Monday na ulit at napansin kong hindi tumabi sa akin si Dom which is nakakapagtaka, nilibot ko ang classroom namin at nakita ko siyang nakaupo sa dulo at busy sa cellphone niya.
Ano naman kaya ang problema niya?
Kung tungkol sa nangyari nung sabado alam ko namang lasing siya that time. Bakit niya naman ako iniiwasan?
Natapos ang araw pero di niya pa rin ako kinakausap or nilalapitan. Hindi niya nga ako tinitignan. Hinayaan ko nalang siya, siguro nahihiya siya sa akin dahil sa mga nasabi niya. Hindi ko naman yun sineryoso kaya dapat wala siyang ikahiya.
Pagka-uwi ko nagulat ako dahil nakatayo si Alyanna sa labas ng unit ko.
"Alyanna?" Likod niya palang alam kong siya to.
Lumingon siya sa akin at ngumiti "Napaaga ata ako."
"Kanina ka pa dito?"
Binuksan ko na yung pintuan at pumasok, sinundan niya naman ako.
"Mag-iisang oras na. "
Nagulat naman ako sa sinagot niya. Hindi ba siya nainip? Nakatayo siya diyang ng isang oras?
"Upo ka." Turo ko sa sofa "What do you want? Juice? Coffee? Or Tea?"
"Relax Tara. Ibaba mo muna yang gamit mo, ayos lang ako."
Tumango naman ako sa sinabi niya. "Sige bihis lang ako. I'll be back."
Agad akong umakyat sa kwarto ko at mabilisang nagbihis. Nakakahiya kasi isang oras niya na akong inantay tapos papatagalin ko pang magbihis diba?
Bumaba na rin ako at nadatnan ko siyang may kausap sa phone.
"Ok bye, I'll call you later. "
Yun nalang ang narinig ko since nakatingin siya sa akin.
"Wait, I'll get some snacks"
Hindi ko na inantay ang sagot niya, dumiretso na ako sa kusina para kumuha ng snacks. Cake at juice nalang ang hinanda ko, nilagay ko ito sa tray at pumunta na sa sala.
Nakatingin lang siya sa akin which is nakakailang.
Binigyan ko siya ng cake at juice.
"Thanks. Sorry ngayon lang ako nakabisita."
"Ok lang. Hindi mo naman kailangan bumisita. " sabi ko sakanya at nginitian siya
"Ang tagal ko na kasing di ka binibisita di ba? And we're friends. Friends visiting each other." Ngumisi siya at uminom ng juice.
"Sooo...anong sadya mo dito?"
Bakit nga ba siya nandito? Bakit niya ako binisita?
"Just to check you. Hindi ba pwede? "
"Bakit naman hindi pwede, it's ok Alyanna."
"Baka kasi may nagbabawal."
Nagulat ako sa sinabi niya. Way niya ba yun para malaman kung may boyfriend ako ngayon.
"Wala naman."
Ngumisi siya at nilapitan ako.
"Talaga Tara? According to Selena you're dating someone secretly. "
Huh? Si Selena talaga nagsabi? O baka sinabi niya lang yun para tigilan na ako ni Alyanna.
"May I know who's that someone? " tinaas niya ang isa niyang kilay
