Chapter 13

32 1 0
                                    

Napaaga ata ako sa first subject namin. Wala pa kasing masyadong tao sa classroom. Tinignan ko naman yung relos ko at maaga nga ako ng 15minutes.

Imbes na magbasa tinext ko sila Jackie at Selena

To: Selena, Jackie

"Hi girls! Pwede ba kayo mamaya?"

Text ko sakanilang dalawa.

Agad naman nagreply si Jackie

From: Jackie

"Bar?"

Party girl talaga nito

To: Jackie

"Nope. May sasabihin ako sainyo ni Len."

Nagreply naman si Selena.

From: Selena

"Why? May sakit ako. Punta nalang kayo dito sa condo."

Pagdating talaga sa akin hindi siya makatanggi kahit busy siya minsan or ganitong may sakit.

To: Selena

"Anong sakit mo? Are you sure? Baka maistorbo ka namin ni Jackie."

Nagreply naman si Jackie

From: Jackie

"Akala ko naman mag-aaya kang magbar pagod na ako kakatunganga :(((
Anyway, saan tayo magkikita?"

Natawa naman ako sa reply niya.

To: Jackie

"May sakit daw si Selena. Doon daw tayo sa condo niya."

Si Selena naman ang nagreply

From: Selena

"Fever lang naman. Siguro pagod lang from trip namin lastweek. Ok lang ano ka ba! What time ba para makaprepare si Manang Lourdes? "

Si Manang Lourdes ang Nanny ni Selena, close na rin kami ni Jackie sakanya since lagi kaming tumatambay sakanila.

To: Selena

"Ok. Mga 5pm siguro. Pahinga ka na muna. See you later :*"

Nagreply naman siya agad.

From: Selena

"Alright :*"

Tinignan ko din yung reply ni Jackie

From: Jackie

"Himala at nagkasakit yon. Sige. What time ba?"

Bihira nalang naman kasing magkasakit si Selena.

To: Jackie

"5pm"

From: Jackie

"Ok. See you!"

Nilock ko na ang phone ko at inangat ang ulo ko.

"Hi! Busy ka ata sa katext mo" sabi ni Dom na nasa tabi ko na pala.

"Sorry di ko napansin yung pagdating mo. Nandiyan ka na pala." Ngumiti naman ako sakanya

"Ok lang...sanay naman na akong di mo napapansin" bulong niya

Alam kong mahina niyang sinabi yung last part pero gusto ko pa rin iclaro kung tama ba yung narinig ko.

"Ano?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TiaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon