Chapter 4

15 1 0
                                    


FLASHBACK


Itong araw na ata ang pinakamalas na araw sa buong buhay ko. Nag-aral naman ako ng mabuti. Ano pa bang kulang? Huhuhu

Mataas naman yung NMAT grade ko, kahit yun nalang sana i-consider nila. Bakit ba kasi ako bumagsak sa entrance exam nila!?


Nandito ako ngayon sa school garden ng Manila Doctor's College. Ang pinakamagandang Med school sa bansa natin. Lintek naman kasi ang baba ng score ko. Nadalian naman ako don sa mga tanong pero bakit ganun ang resulta? Huhu

Tuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hindi ko tanggap. Ito ang dream school ko at for sure magiging proud si Mommy at Daddy sa akin kung naipasa ko to.

"I HATE MY LIFE! UGHHHH!" sigaw ko sabay bato nung bote ng mineral water

Buti nalang lights-off na nila at walang makakakilala sa akin kung may makakita man sa akin dito.

"Bakit ang unfair ng buhay!" tanong ko sa sarili ko. Ang saklap naman kasi


"Hey miss. Ikaw ba si Camilla Tiara Predo Bustamante?"

Nagpunas muna ako ng luha bago nilingon yung tao sa likod ko

"Yah...sino ka? Bakit mo ako kilala?"

Matangkad, maputi, nakatayo ang buhok pero maayos namang tignan, biglang humangin kaya naamoy ko yung pabango niya, may hugis ang katawan at nakangisi siya na parang may masamang balak gawin sa akin.

"Umiiyak ka ba? Dahil hindi ka nakapasa?" nakangisi niyang sinabi sa akin

Nilapitan ko siya at tinignan mula ulo hanggang paa.

"Sino ka ba?"

"Sabihin nalang natin, ako ang huli mong alas para makapasok sa school na to." Nakatingin siya ng diretso sa akin at nakangisi pa rin

"Paano mo naman yun magagawa? Diyos ka ba?" pagsusungit ko sakanya

"Hindi ako diyos, ako lang naman ang anak ng may-ari nitong school na to."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Anak ka ni Senator Javier?"

Si senator Ringo Javier ay kumpare ni Daddy. Actually kanang kamay niya si Daddy. Bestfriends sila since highschool kaya kilalang kilala nila ang isa't-isa.

Tumango siya sa akin at ngumisi.

"At ikaw ang anak sa labas ni tito Camillo right?"

Ako naman ang tumango sakanya

"hmm...you must be Tara? Nice to meet you."

Inabot niya sa akin ang kamay niya para makipagshake hands pero tinignan ko lang yun

"Bakit mo alam ang nickname ko? Have we met before?"

Binaba niya ang kamay niya at tumawa

"Kaya nga sinabi ko nice to meet you kasi ngayon palang kita nameet. Gets?"

Yabang naman nito. Para niya ding sinabing ang bobo ko.

Inirapan ko lang siya. Tatalikuran na sana pero hinawakan niya ang braso para pigilan ang pag-alis ko

"Anong kailangan mo sa akin?" masungit kong tanong sakanya

"Ikaw ang may kailangan sa akin." Nakangisi niya nanamang sinabi

TiaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon