Tatlong oras na rin kaming umiinom at sumasayaw. Namiss ko din to. Nagiging anti-social na ako dahil sa pag-aaral ko.
"Saan na ba kasi yang Selena Aquino na yan!?" naiiritang tanong ni jackie. Para kasi kaming tangang nag-eenjoy dalawa dito sa dancefloor.
"Sabi mo nasa manloloko niyang boyfriend."
"Minsan pagsabihan mo yung tanga mong kaibigan ha? Masyadong bulag sa pag-ibig. Nakakabanas! MIA tuloy lagi."
"Bitter ka lang! Hahaha!" pang-asar ko sakanya at agad niya naman akong inirapan
NBSB kasi si jackie. Napachoosy sa lalake. Taas ng standards haha. Mahilig sa fling. Sa lahat ng bagay hindi siya nagseseryoso. Ewan ko ba kung kelan to matututo.
Sa wakas nakaramdam din kami ng pagod, napagdesisyunan naming umupo.
"Grabe Tara paano na kung busy ka? Wala na akong kasama pumarty!!??"
Medyo lasing na siya kasi pinapadyak niya na yung sapatos niya. Haha. Para siyang bata kung malasing e.
"Pasama ka sa mga kafling mo." Nakangisi kong sagot sakanya
"Fling your face!"
Bigla nalang kami nakarinig ng ingay sa kabilang table. Kaya napalingon kami ni Jackie sa side na yon.
"Oopss..sorry hahahaha!" sabi nung nakatalikod na babae
Pamilyar yung boses niya. Parang narinig ko na dati.
"Tara! Look....di ba si...si..." nakakunot yung noo ni Jackie dahil hindi niya maalala yung taong tinutukoy niya
" Huh? Sino?" Lumingon ako ulit at nakaharap na yung babae sa amin.
"Oh shit!" tinalikuran ko sila at si Jackie naman ay sumisilip pa rin
"Jack let's go!" OMG! Bakit sila magkasama? Erase...erase...bakit sila nandito? Nakita kaya nila ako?
"Si Alyanna ba yun?" sumilip pa ang gaga!
"Oo! Halika na! Uwi na tayo!" hinila ko na siya palabas
"Wait yung guy! Parang familiar." Mas lalo kong binilisan yung lakad ko at lalo ko siyang kinaladkad palabas.
"Familiar talaga! Halika na please! Huwag mo na silang silipin pa."
"Aray! Aray! Dahan-dahan lang Tara!"
"Bilis kasi!"
"Oo na teh!"
Mabilis kaming sumakay sa kotse ko.
" Shit! Muntik na ako doon." Nakahinga na rin ako ng malalim
"Hoy Tara! Huwag mong sabihin na forever kang magtatago doon sa Rain na yon! At teka, bakit nga pala sila magkasama ni Alyanna? SIla ba?"
"Aba malay ko. Doon din ako nagulat e."
Rainiell Javier...shit bakit ka pa nagpakita sa akin. Ugghhh! Nakakainis
"OMG! I'm must know what's going on between them."
"Please Jack gawin mo yan. What if??? UghhH!"
"Huy girl paandarin mo na kaya to. Baka sundan pa tayo."
Pinaandar ko kaagad yung kotse ko at umalis doon.
Kinabukasan sobrang sakit ng ulo ko sa kadahilanang hindi rin ako masyadong nakatulog dahil sa kakaisip kung ano ang ugnayan ni Rain At Alyanna. Kung kelan pa umuwi ng Pilipinas si Rain at pagkakaalam ko din pumunta ring ibang bansa si Alyanna. SIguro doon sila nagkakilala.