"Huy girl! Ang tahimik naman po natin ngayon?" bulong sa akin ni Jackie.
Nandito na kami ngayon sa bar ni ALyanna. Magdadalawang oras na kami dito pero hindi pa rin ako tumatayo dito sa inuupuan ko.
"Wala sa mood" tipid kong sagot sakanya
"Wala sa mood or kinakabahan?" nakangisi niyang tanong sa akin
Inirapan ko lang siya at ininom ang natitirang cocktail sa baso ko. Actually, hinihintay ko lang yung text ni Rain. Sabi ko kasi sakanya 11pm kami magkikita since may pupuntahan pa ako which is itong party.
"What if makita mo siya ngayon? Kakausapin mo ba? Kakamustahin? What?" naiiritang tanong ni Jackie sa akin
"Probably I'll just smile at her." yan naman talaga ang gagawin ko if ever makita ko si Alyanna.
Chineck ko yung relo ko at isang oras nalang pala magkikita na kami ni Rain. Sasabihin ko na sakanya yung desisyon ko.
"Talk to her also Tara, for sure namiss ka nun" singit naman ni Selena
"Nope. Di siguro." sagot ko sakanya
Errr..di ko talaga ma-gets tong feeling ko ngayon. Wala tagala ako sa mood. I just wanna sit hear and drink and wait for Rain's message.
Bumalik yung dalawa sa dancefloor kaya eto ako ngayon mag-isa sa table namin. Ayokong lumingon sa paligid. Hindi naman sa naduduwag akong harapin si Alyanna pero hindi ko talaga gusto makipag-usap sakanya ngayon.
Biglang may humawak sa balikat ko na ikinagulat ko kaya muntik kong nabitawan yung hawak kong baso.
"Hey! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap sa dancefloor." thank God boses ng lalake
Nilingon ko siya at nginitian.
"Ok ka lang Tara? You look constipated Hahahaha" pinisil ni Dom yung pisngi ko
"I'm ok. Wala lang ako sa mood pumarty." sagot ko sakanya
"Kung ganon bakit ka pa pumunta dito?"
"Nakakahiya naman sayo kung di ako pupunta diba?"
Ngumiti naman siya at tinabihan ako
"Sus, e wala ka ngang balak magpakita sa akin. Kung di pa kita hinanap di pa kita makikita."
"Hinanap mo ako?" bakit niya naman ako hahanapin?
"Yup. di ka manlang nagtext sa akin na pupunta ka o hindi." nagpout siya after niyang magsalita
Ang cute ni Dom...ewan ko ba pero ilang beses ko na to sinabi. Mas lalo na kapag nagpapout siya. Gusto kong pisilin yung pisngi niya or halikan. Pero di ako clingy na kaibigan. Never ko pa yun nagawa.
"Sorry na Hahahaha" nag-peace sign ako sakanya, Nakalimutan ko nga pala siyang itext na pupunta ako.
"Ayan tumawa ka na!" pinisil niya yung pisngi ko "You look more beautiful if you laugh Tara, make that a habit please" then ngumiti siya sa akin
Biglang may sumulpot na babae sa harap namin
"Hello guys! How's my bar?" isang tinig galing sa babaeng sinaktan ko 1 yr ago. "My bar" ibig-sabihin siya nga to
Napatingin kami ni Dom sakanya. She changed a lot. Pumayat siya, pumuti, umiksi ang buhok, at mas lalo siyang gumanda.
"Oh Alyanna ikaw pala! Nice bar huh" maligayang sagot sakanya ni Dom
