Chapter 12

10 2 0
                                    

"Cheers? Anong meron?"

Napalingon ako sa taong nasa likod naming dalawa ni Dom.

"What's with the happy face Tara? Sino siya?"

Boses ko palang alam ko na kung sino siya. Inalis ko ang saya  sa mukha ko at napalitan ng gulat.

"Ra--ain! Anong ginagawa mo dito?"

Yun nalang ang natanong ko dahil sa gulat. Bakit ba bigla nalang to sumusulpot? Uso mag-update, naka-uwi na pala siya.

"Susunduin sana kita sa school mo pero wala ka don, pero may nagsabi na may kasama ka daw na lalaki at pumunta kayo dito sa foodpark kaya dito kita hinanap." Seryoso niyang sinabi at binalik ang tingin kay Dom

"Ah si Dom nga pala....classmate at kaibigan ko. Dom si Rain nga pa--"

"Rain Javier. Boyfriend ni Tara" hindi niya na ako pinatapos pa.

Halata namang nagulat si Dom pero bigla siyang tumawa.

"Boyfriend? Hahaha. Dude wag ako kilala ko si Tara. " sagot niya kay Rain

Ngumisi naman si Rain at lumapit sa akin.

"Gaano mo siya kakilala?"

"I know everything about her, close nga kami ng Mommy niya. Diba Tara?"

Nakatingin lang ako kay Dom. Hindi ako makasagot sa tanong niya. Nakatulala lang ako sakanya, habang sila ni Rain ay inaantay yung isasagot ko. Pero tila hindi na ito naantay pa ni Rain at nagsalita muli.

"If you know everything about her, bakit di mo ako kilala?" May halong inis yung tono ng pananalita niya.

Ok, iba na to. Ayoko ng gulo. Kailangan ko ng ilayo si Rain kay Dom.

"Kasi hindi ka niya binabanggit sa akin, kung boyfriend ka niya dapat noon ka pa niya naikwento sa akin pero sorry dude nanaginip ka ata. Ibang Tara ata ang  tinutukoy mo." Seryosong sinagot sakanya ni Dom

Biglang hinila ni Rain yung polo ni Don kaya siya napatayo.

"Rain! Let's go!" Pagpigil ko kay Rain, hinawakan ko yung braso niya pero nakatingin pa rin siya kay Dom

"Siya lang ang Tara na kilala ko. She's my Tara. My Tiara. I'm not even sleeping kaya huwag mong sabihin na nananaginip ako!"

"Rain tama na!" Pagpigil ko ulit sakanya.

Binitiwan niya na si Dom at tumalikod at nagsimula ng maglakad palabas.

Nilapitan ko naman si Dom na pulang-pula na.

"Dom ok ka lang?"

"Yabang ng gagong yun! Akala mo kung sino!" Sigaw niya

"Tara let's go!" Sigaw ni Rain na nasa pintuan na

Kinuha ko na yung gamit ko para sundan siya pero pinigilan ako ni Dom

"Bakit ka sasama sakanya? Totoo ba yung mga pinagsasabi niya?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Dom so---"

Naputol na yung sasabihin ko dahil bigla nalang ako hinila ni Rain.

"Hey! Hey! Tara!" Sigaw ni Dom pero hindi ko na narinig yung ibang sinabi niya dahil pinapasok na ako agad ni Rain sa sasakyan niya.

Pagpasok niya sa driver's seat, halatang galit siya dahil seryoso ang pulang-pula niyang  mukha at magkasalubong ang kilay niya.

Hindi ko alam kung magsasalita ba ako, hindi na ako makatingin sakanya.

TiaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon