Papunta na ako ngayon sa anniversary party ng Carson group of company. Sa isang mamahaling hotel ito gaganapin. Naka long red dress ako ngayon at fit na fit sa akin kaya halatang halata yung shape ng katawan ko. Sleeveless siya at medyo daring. Ewan ko ba kay mommy bakit ganito ang ginawa niya. Hindi naman ako ganito manamit pero kapag siya ang nagbibigay ng damit ko puro nalang sexy kaya no choice ako alangan naman hindi ko gamitin.
Light make up lang ang nilagay ko at tinali ko ang aking buhok. Buti nalang natural na curly sa baba yung buhok ko. Nakaipit lang sa tenga ko yung side bangs ko.
Pinark ko sa parking area ang car ko which is nasa basement. May valet naman pero ayoko lang talaga dumaan sa red carpet. Ayoko ng attention, mas gusto ko yung patagong pumunta don sa venue.
Kaagad ko namang tinext si Daddy na nasa basement na ako. Agad niyang naman akong tinawagan.
"Hello Dad"
"Bakit hindi mo na lang pinaubaya sa valet yan? Nahihiya ka nanaman bang dumaan sa red carpet?"
"Dad naman, alam mo naman na yon di ba?"
"Tsss ok pinapunta ko na diyan si peter para iguide ka."
"Ok Dad thanks. See you later"
"Kasama mo ba si Tanya?" pahabol niyang tanong
"nope Dad. Busy siya."
"Ok." Halata namang dismayado yung tono ng pagkasabi niya ng "ok" "Sabihin mo kay Peter ihatid ka niya sa table nila Corine ha?"
"Opo Dad."
Inend niya na yung call at sakto dumating si manong Peter
"Hi Manong!" bati ko sakanya
Ngumiti siya sa akin "Ang ganda mo maam baka mainngit nanaman sayo si Carmina" natatawa niyang sinabi
"Sus kayo talaga manong mambobola."
"Nagsasabi lang po ng totoo maam." Ngumiti ulit siya sa akin
Pagkadating namin sa loob, madami ng tao. Lahat naka formal attire
"Manong sa table daw nila Corine mo ako ihatid sabi ni Dad."
"O sge po dito tayo." Turo niya sa direksyon ng table nila Corine
Pero bago pa kami nakarating don. May yumakap bigla sa likod ko.
"Guess who?" sa malambing niyang boses alam ko na kung sino yon
"Kuya!" agad naman akong humarap sakanya at niyakap siya
"My baby Tara! Buti nakapunta ka!" kinurot niya ang pisngi ko at hinalikan
"Syempre naman Kuya. I know this event is important to you."
Tinignan niya ako mulo ulo hanggang paa. "Ano ba yan bilis mo naman lumaki. Di na kita baby" nagpout siya at ako naman ang kumurot sa pisngi niya
"Kuya naman, hindi naman ako forever bata no"
Ngumiti siya sa akin at bumulong "How's med school?"
"O—ok lang. How did you know?" nagulat kong tanong sakanya.si Dad,Mom,at friends ko lang ang nakakaalam na nagmemed ako.
"Kay Daddy. Don't worry diko naman sasabihin kay mommy."
"Promise?" tinaas ko yung pinky ko
"Promise baby!" nilagay niya nanman don yung pinky niya at nagpinky swear kaming dalawa haha. Ang cute lang talaga tignan. "Ang payat mo. Lagi ka bang nagpupuyat? Kumakain ka ba?" nagpout nanaman siya
